Nakatiim bagang si Maico habang palapit sa akin. Halatang halata yung pagpipigil niyang ilabas ang galit. Tumigil siya ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.
"Magempake ka na. Uuwi na tayo ngayon din." naroon ang galit sa tono niya.
"Maico... yung---"
"Ang sabi ko mag-empake ka na!" hindi ganun kalakas ang boses niya pero pakiramdam ko ay dinig yun sa buong building.
Kumilos agad ako at pumasok sa kwarto. Dali-dali kong inilagay lahat ng nakalabas kong gamit sa maleta. Di ko na pinagka-abalahang ayusin ang pagkakasalansan ng mga yun. Ang mahalaga ay makapagempake ako agad.
Nakatayo lang sa labas ng pintuan si Maico habang inaayos ko ang gamit ko. Nakatitig lang siya sa sahig at di umiimik. Gusto ko sanang magpaliwanag tungkol sa nakita niya pero natatakot ako. Lalo na sa galit na naguumalpas sa mukha niya. Hihintayin ko na muna sigurong humupa yung galit niya.
Bitbit ko ang maletang lumapit sa kanya. Kinuha niya agad yun at nagpatiuna nang umalis. Napatigil ako saglit sa harap ng pinto ni Anthony. Dapat akong magpaalam di ba? Baka kasi kung anong isipin niya pag di niya ako maabutan.
"Sasama ka ba o hindi?" napatingin ako kay Maico. He's gritting his teeth. Sa hitsura niya, parang ano mang oras eh papatay siya.
Nanginginig halos ako nang tumango. Yumuko na lang ako matapos yun para hindi ko makita yung hitsura niya.
_________
"I'd like to cancel my reservation." si Maico, may kausap siya sa kabilang linya. "Yes, this is Maico Buenaventura... thank you." aniya saka ibinaba yung telepono.
Sakay kami ngayon ng isang rented car. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi ko rin naman siya matanong kasi di rin naman siya sumasagot. Tuwing magsasalita ako eh pinipigilan niya ako.
Tahimik lang siyang nagmamaneho habang nakakunot yung noo. Ni hindi siya tumitingin sa akin. Nasasaktan ako, gusto kong sabihin ang side ko pero ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon. Huminga na lang ako ng malalim para pigilan yung mga luha na gusto nang umapaw sa mga mata ko.
Sa isang open field kami nagpunta at doon, nakalapag ang isang helicopter. So yun pala ang ginamit niya pagpunta dito at sorpresahin "sana" ako. Pero ayun, hindi maganda ang inabutan niya.
"Ang bilis niyo naman po ata Sir, ineexpect namin na mamaya pa kayo." sabi ng isang lalaki na naghihintay roon. Meron pang isa sa bandang likuran niya at nagsimula na ring lumapit sa amin.
"Tara na." sabi ni Maico saka nilagpasan ang lalaki. Iniabot niya naman ang susi ng kotse sa isa pa at pumwesto na siya sa may pinto ng helicopter.
Iniakyat ng lalaki ang bagahe ko at ako naman eh iniangat ni Maico para makaakyat. Mataas kasi yun at di ko masyadong maabot. Sumunod naman agad siya at naupo sa tabi ko.
Ang kasama naming lalaki ang nag-piloto nito.
Nakadungaw lang ako sa bintana habang nasa ere. Ang gandang pagmasdan ng mga ilaw roon. Kung sana magaang ang loob ko ngayon eh matutuwa ako sa natatanaw ko. Pero pakiramdam ko eh nagsisikip ang dibdib ko at gusto kong humagulgol ng iyak.
Tumingin ako kay Maico. Nakadungaw rin siya sa kabilang bahagi. Ngayon eh sana nababasa ko na lang kung anong nasa isip niya. Para hindi na ako nahihirapang hulaan kung ano mang tumatakbo roon. Para alam ko na rin kung anong dapat kong gawin.
Napalingon siya sa akin. Naramdaman niya siguro yung pagkakatitig ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko na tila binabasa ang iniisip ko. Umabot din ng ilang segundo saka siya nagiwas ng tingin.
Sandali lang ang inabot at nakarating na kami sa ciudad. Dumeretso kami sa unit ko pagkagaling sa pinaglapagan ng helicopter.
Nauna akong pumasok sa loob at nagulat ako ng pabalibag niyang isinara ang pinto. Pati yung maleta ko eh halos ihagis niya. Nanlalaki ang matang nakatingin lang ako sa bawat kilos niya habang papalapit siya sa akin.
Mahigpit niyang hinawakan ang kaliwang braso ko nang makalapit siya. Ang sakit nun, pakiramdam ko eh dinudurog yung laman ko. Nanlilisik yung mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Maico..." ramdam ko ang pangingilid ng luha ko, "n-nasasaktan ako." hinawakan ko yung kamay niyang nakakapit sa braso ko at pilit kong tinatanggal yun.
Iniangat niya yung isa niya pang kamay at hinila yung buhok ko para magkatapat ang mga mukha namin.
"Ano pa bang kulang saken ha?" mariin niyang sabi. "Kaya ko namang ibigay ang lahat sayo. Sabihin mo lang kung anong gusto mo." galit na galit yung tono niya at hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ko.
"Aa-hhh." napadaing ako nang mejo humigpit ang kapit niya sa buhok ko. "Nasasaktan ako. Tama na..." tuluyan nang tumulo ang luha ko. "Wala akong ginagawang masama. Hindi totoo yung nakita mo. Magpapaliwanag ako... please... magpapaliwanag ako."
Bumitaw siya bigla, "at ano? Nag-iilusyon lang ako kanina? Kitang-kita ng dalawang mata ko... masaya kayong nag-uusap tapos hinalikan ka pa niya. Ngayon, sabihin mo ngang hindi totoo yun?!" pasigaw nang sabi niya.
"Ganito yun---" ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Ikinwento ko mula dun sa pagtulong sa akin ni Anthony sa site hanggang sa maabutan niya kami sa lobby ng hotel.
Sa nakikita ko sa mukha niya eh hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko. Naniniwala pa ring siyang niloloko ko siya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin kahit tapos na akong magkwento. Maya-maya eh napasabunot siya sa buhok niya at pabalang ba lumapit sa akin.
"Mas magaling ba siya? Yung ba yung dahilan? Mas napapaligaya ka niya sa kama ganun ba?!"
Napaatras ako sa sinabi niya. Sa lahat ng bagay na pwede niyang iakusa sa akin eh ito ang hindi ko inaasahan. Gusto niyang palabasin na nakikipagsiping ako kay Anthony.
"Ano? Di ka makasagot?!" kumapit ulit siya sa braso ko, "yun lang ba? Gusto mo ng mas magaling? Kaya ko ring ibigay yun sayo sabihin mo lang!"
Pakiramdam ko eh umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Di ko akalaing ganito kababa ang tingin niya sa akin. Buong buhay ko iisang lalaki lang ang minahal ko, at siya yun. Kaya pakiramdam ko eh sinasaksak niya ako ng paulit-ulit sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Humigpit pa lalo yung kapit niya sa "ano?!" pasigaw na sabi niya.
"Oo!" di ko napigilang sabihin. "Oo mas magaling siya! Mas napapaligaya niya ako sa kama! Masaya ka na?!" pasigaw ko ring sabi sa kanya.
Napatulala siya dahil sa sinabi ko at siya naman ang umatras. Binitawan niya ang braso ko at di makapaniwalang tumitig sa mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong emosyon ang nakikita ko roon. Galit, lungkot, sakit at kung anu-ano pang di ko maintindihan.
Tumalikod siya at humarap sa pinto. Hinang -hina yung hitsura niya at parang di niya alam kung anong gagawin.
Ang akala ko eh aalis na lang siya basta pero nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at pahagis na isinandal sa pader. Naramdaman ko yung sakit sa likod ko gawa ng paghampas at kasabay nun ay ang mariin niyang paghalik sa mga labi ko.
Idiniin niya pa ang sarili niya sa akin. Halos di na ako makahinga sa ginagawa niya. Masakit ang katawan ko sa pagkakahampas at naiipit ako ng katawan niya pero di ako pumapalag. Hinahayaan ko lang siya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko habang lalong dumidiin yung paghalik niya sa akin. Nalalasahan ko na rin ang dugo mula sa mga labi ko.
Bigla siyang tumigil pagkuwan at malakas na sinuntok ang pader sa likod ko. Lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa akin kaya malaya na akong nakakagalaw. Pakiramdam ko eh nanghihina ako kaya naman dumausdos ako ng upo sa sahig.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang naupo siya sa harap ko. Sapo-sapo niya ang noo niya kaya naman hindi ko nakikita ang mukha niya. Pero alam ko, umiiyak din siyang tulad ko.
Dahan dahan kong idinantay ang kamay ko sa braso niya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Lumapit ako at walang sabi-sabing yumakap sa kanya. Di naman siya pumalag at gumanti ng mas mahigpit pang yakap.
YOU ARE READING
THE NERDY REBOUND GIRL
Diversos[Story Completed] Jacky has been in love with Maico since forever. Pero ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito. Kahit pa nga may asawa na ang huli. Nang sumuko si Maico kay Lana, sa kanya ito tumakbo. At doon naganap ang isang di inaasahang pang...