𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 18

43 0 0
                                    

"Beauty! Dalaw tayo kina Lana!" masiglang bati ni Maico pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

"Good morning din." walang ganang sagot ko.

Kagabi nakalabas ng ospital si Lana. Babae yung anak nila ni Jace, si Janna. Ang cute cute nung bata at kamukha ni Jace. Parang female version niya.

"May problema ba Beauty?" may pag-aalala  sa tono niya. Lumapit siya sa akin at sinalat ang leeg ko kung mainit. "Wala ka namang lagnat. May dalaw?" pagbibiro niya.

Nag roll eyes ako sa kanya. Saka ko lang napansin yung bitbit niya sa kaliwang kamay niya.

"Ano naman yan?"

Itinaas niya yun, "ah ito? Para kay Janna. Nakita ko lang kahapon sa department store. Ang cute kaya binili ko." inilabas niya yung laman nun. Manyika yun na nagsasalita.

"Kapapanganak niya lang, di niya pa yan malalaro." naaaliw na sabi ko.

"Oo nga noh? Pero di  bale, advance gift ng ninong." aniya.

"Nag-almusal ka na ba?" tumingin ako sa orasan. Alas diyes na ng umaga.

Naupo siya sa sofa at inilagay yung bitbit niya sa mesa.

"Oo, dumaan ako sa fastfood. Ligo ka na, puntahan na natin si Lana."

Puntahan na natin si Lana...

Punatahan na natin si Lana...

Puntahan na natin si Lana...

Paulit-ulit na nage-echo sa utak ko yung sinabi niya. Parang excited siya na makita si Lana at hindi yung anak nito. O baka paranoid lang ako? Ang sakit lang kasi isipin.

Tumayo siya bigla saka lumapit sa akin. Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at tinignan ako sa mga mata.

"Is there something wrong? What's bugging you?" naroon ulit yung nag-aalalang tono niya.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya at nag-iisip ng sasabihin.

Nang ilang sandali na rin akong nakatanga sa kanya eh napapikit siya at yumakap sa akin. Sa una magaan lang yun pero unti-unting humihigpit yung pagkakayakap niya hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko. Minuto rin siguro ang tinagal ng pagkakayakap niya sa akin.

Pagkahiwalay namin eh tumingin ulit siya sa mga mata ko. May lungkot na akong naaaninag doon. Alam kong hindi niya ako maintindihan sa mga oras na ito kaya siya nagkakaganyan. Nagseselos lang naman ako eh bakit hindi niya maisip yun?

Ngumiti ako saka humalik sa mga labi niya.

"Maliligo na ako." sabi ko saka pumasok sa kwarto at iniwan siyang nakatanga sa sala.

________

"Wow! May pasalubong pa talaga kayo!" masayang sabi ni Lana pagkarating namin sa bahay nila sa Antipolo.

Nagdala kami ni Maico ng pizza bukod pa dun sa manyika na binili niya.

"Baby Janna, nadito si Ninong at Ninang." kausap ni Jace ang anak niya na tila naiintindihan ang sinasabi niya. "Salamat naman at napadalaw kayo." baling niya sa amin.

"Gusto naming makita uli si Baby Janna eh." si Maico.

Lumapit siya kay Jace na bitbit ang anak. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa bata.

"Kamukhang kamukha mo Pare ah." aniya kay Jace. "Parang kayong pinagbiyak na bunga."

Tumawa si Jace.  "Nakuha saken halos lahat noh?" naaaliw na sabi nito. "Salamat nga pala sa pagdala mo kay Lana sa ospital ha? Naku kung wala ka baka kung napaano na ang mag-ina ko."

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now