Pabiling-biling ng higa si Maico. Di ata makatulog, pati tuloy ako nadadamay. Itong katabi ko sa kaliwa naman tulog na tulog na. Ni hindi man lang naaapektuhan ng kalikutan ni Maico.
"Aaissh!" biglang upo si Maico pagka-maktol.
Tumingin pa siya kay Mica at kita yung inis sa mukha niya. Pagka-alis niya ng tingin eh nagmaktol na naman.
"Pfft!" pagpipigil ko sa tawang kanina pa gustong umalpas sa bibig ko. Napatingin siya sa akin saka sumimagot.
"Maliligo na muna ako." padabog pa rin yung pagtayo niya saka dire-diretsong pumasok sa banyo.
Sa pagkakataong yun, di ko napigilan ang malakas na pagtawa ko. Nakaka-aliw siyang tignan. Asar na asar talaga siya sa istorbo niyang kapatid.
Pero ayos na rin yun. Di ko pa kasi talaga napapagdesisyunan yung guto niya eh. Syempre sino ba namang babae ang gusto na magbuntis muna bago kasal?
Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Hindi kaya niya iniisip ang kasal? Ayaw niya bang mag-asawa? Anak lang?
__________
Hindi ako mapakali sa suot ko, nai-make over kasi ako ni Mica kahapon nung umalis si Maico eh. Ang sabi niya mas gusto ng Kuya niya ang ganitong ayos.
Ayoko sana kaso naisip ko, bakit ayaw akong alukin ng kasal ni Maico? Di ba ako presentable at hindi bagay na ipakilala bilang asawa? Kung titignan nga naman kasi mukha akong katulong niya. Kahit na sinasabi niya pa na maganda ako, alam ko pa rin naman ang totoo.
{flashback}
"Baket ganyan mga damit mo Ate?" Ate na ang tawag niya sa akin since GF naman daw ako ng Kuya niya.
Tinignan ko yung closet ko na nakabukas at hinahalungkat ni Mica.
"Nakasanayan ko na kasi ang ganyan. Saka mas komportable akong isuot."
"Hay naku Ate, alam mo bang mas gusto ni Kuya sa babae yung maayos sa pananamit? Yung tipong pang-model ang dating? Lahat ng na-link jan ganun! Yun nga lang wala pa siyang pinakilala samen ni Mommy. Nababalitaan ko lang sa tabi-tabi."
Napatingin ako sa sarili ko. Yung pang-model? Meaning, yung kabaligtaran ko? Naisip ko yung mga babaeng na-link sa kanya. Ano kaya ang hitsura nila? Yung pang-model na sinasabi ni Mica?
"Para masaya, aayusan na lang kita Ate! Bonding na rin natin!"
Di na ako nakapalag sa kanya. Dinala niya ako sa tinitirhan niyang condo unit at sinuotan ng mga damit niya. Pareho kami ng size kaya lahat yun kumasya.
Ipinahiram niya saken lahat ng damit niyang pwedeng ipamasok sa opisina since di niya naman daw ginagamit ang mga iyon. Nag-aaral pa siya. Nakapagtataka lang na may mga ganito siyang damit tapos di naman nagagamit. Naga-aksaya lang siya ng pera. Mga mayayaman talaga.
Dahil sa collection yung sapatos niya, di niya ako pinahiram. Bagkus eh dinala niya ako sa mall at ibinili ng dalawa. Regalo niya na daw yun saken at pasasalamat na rin sa mga tulong ko sa kanya.
Pati pagdala niya sa akin sa salon sinagot niya. Masaya daw siya na ginagawa niya ito para sa future ate niya. Sa totoo lang masaya ako sa ginnagawa niya. Nararamdaman kong tanggap na tanggap ako sa pamilya nila. Sana ganito rin ang maging reaksyon ng Mommy nila pag nakilala ako.
{end of flashback}
"Witwiw!" ani isang ka-opisina kong lalaki na pumukaw sa lumilipad kong isip. Ngumiti lang ako sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Marami pa akong nadaanan na sumisipol pagkakita sa akin.
"Ganda natin ngayon ah!" napatingin ako sa kasamahan kong babae nang magsalita siya. "Anong meron?" tanong pa niya.
"Ha?" tanong ko kahit na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
"Bakit pusturang pustura ka? Infairness ha, lumabas ang tunay mong ganda!"
"Naiilang nga ako eh. Parang ang sikip-sikip. Saka itong sapatos sobrang taas pakiramdam ko tutumba ako." sagot ko. Itinaas ko pa ng bahagya ang isang paa ko para ipakita yung sapatos.
"Kita mo 'tong Aleng 'to! Susuot-suot ng ganun tapos magrereklamo!" aniya sabay tawa. "Siguro natatakot ka lang na may maka-agaw sa Super Hot mong boylet kaya nagbagong anyo ka noh?" pagpapatuloy niya pa.
"Hindi noh! Di naman yun tumitingin sa panlabas na anyo." defensive na sagot ko.
Pero bakit nga ba ako nagpa-ayos ng ganito? Di ba dahil iniisip kong mas magugustuhan ito ni Maico? Na maipagmamalaki niya ako sa lahat bilang girlfriend niya?
"Sabi mo eh! Sige balik na ako dun."
Napabuntong-hininga na lang ako pagkaalis niya. Ano kayang magiging reaksyon ni Maico pag nakita niya ako? Matutuwa kaya siya? Siguro naman. Ito ang gusto niya sa babae di ba?
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah?" napaangat ako ng tingin. Si Anthony, bumalik na yung dati niyang ngiti tuwing binabati ako.
Simula kasi nung eksena sa pantry eh umiwas siya saken. Di niya na ako binabati tuwing makakasalubong ko siya. Di na rin siya nakikitabi sa pantry kahit na pareho naman kaming walang kasama.
"Ahh... haha." Umiling na lang ako bilang sagot.
"Ganda natin ngayon ah?"
"Salamat."
May katagalan ang katahimikan na namagitan sa amin hanggang sa siya na mismo ang bumasag nun, "sorry dun sa inasal ko nung nakaraan."
Tinignan ko siya sa mga mata. Sobrang sincere nun, "ayos lang yun. Wala ka naming ginawang masama kung tutuusin."
Ngumiti siya. "Pero totoo yung sinabi ko nun. Di ko talaga maiwasang lapitan ka. Nakita mo namang pinilit ko di ba? Pero heto ako ngayon nasa harapan mo na naman." tuluy-tuloy na litanya niya.
Natahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya.
"Alam ko namang wala akong aasahan sayo Jacky. Pero sana hayaan mo na lang akong maging kaibigan mo. Wag mo sana akong iwasan." may pagsusumamo sa tono ng pananalita niya.
Wala naman sigurong masama kung nakikipagkaibigan lang siya di ba? Maiintindihan na siguro yun ni Maico.
Tumango ako bilang sagot. Sabay nun ay ang malapad niyang ngiti.
"Salamat Jacky!" inabot niya ang lamay ko at mahigpit na pinisil. "Sige mauna na ako." Aniya pa sabay lakad palayo.
__________
"Ba't ganyan ang ayos mo?" kunot-noong bungad saken ni Maico pagkakitang-pagkakita niya saken nang sunduin niya ako.
"Di ba bagay?" sabi ko sabay tingin pa sa suot ko. Di ito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya. Ang akala ko matutuwa siya. Pero bakit parang may galit pa sa tono niya?
"Bagay naman." Tila labas sa ilong na sabi niya, "sakay ka na." aniya pagkabukas niya ng pinto ng passenger's seat.
Tahimik lang ako habang pauwi. Ano kayang iniisip niya? Bakit taliwas yung reaksyon niya sa inaaasahan ko?
"Ahhm, Beast..." sabi ko pagkapasok pa lang naming sa condo. "di mo ba nagustuhan ang ayos ko?" di ko napigilang itanong.
Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo saka nagsalita. "Maganda ka naman kahit na anong ayos mo eh. Di lang siguro ako sanay na Makita kang ganyan." aniya pa saka ngumiti. Yung ngiti niya hindi umabot sa mata.
"Anong gusto mong ulam? Ipagluluto na kita." pagiiba ko na sa usapan.
Tumingin siya sa relo niya, "may dinner meeting ako Beauty eh. Next time na lang. Sige kailngan ko nang umalis baka ma-late pa ako."
"Ok, ingat ka!"
Ngumiti siya at saka humalik sa mga labi ko. Di niya pa hiniwalay ang noo siya sa noo ko pagkatapos ng halik. Nakapikit pa siya na tila nanaginip lang.
Ilang saglit din eh kumilos na siya. Hinaplos niya muna ang kanang pisngi ko saka umalis.
YOU ARE READING
THE NERDY REBOUND GIRL
Diversos[Story Completed] Jacky has been in love with Maico since forever. Pero ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito. Kahit pa nga may asawa na ang huli. Nang sumuko si Maico kay Lana, sa kanya ito tumakbo. At doon naganap ang isang di inaasahang pang...