𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 14

62 0 0
                                    

Kinakabahan ako sa pagbalik ng Mommy ni Maico. Paulit-ulit yung paghinga ko ng maalim para lang makalma ako. Baka ga di masarap yung pagkakaluto ko dito sa sinigang. Sobrang kaba kasi yung nararamdaman ko eh.

Malapit nang magala-una pero wala pa rin siya. Nakakahiya talaga! Baka iniisip nun may ginagawa pa kami. Pssh. Nagpadala pa ako kanina. Di ko naman kasi siya matiis. Kahit anong pigil ko naman eh bibigay pa rin ako sa kanya.

"Tapos na?" ani Maico sabay upo sa pwesto niya. Nakapaghain na kasi ako. Para sa tatlo yung hinain ko sa hapag.

Tumango ako, "nasaan na yung Mommy mo? Di mo ba siya hihintayin sa sala?"

"Parating na rin yun. Bayaan mo siya may susi naman yun eh."

Kaya pala nakapasok siya kanina samantalang pagkakatanda ko eh nai-lock ko yung pinto, may sarili naman palang susi.

"Wag ka ngang kabahan diyan." si Maico sabay hila sa kamay ko at inilapit sa kanya. Yumakap siya sa baywang ko habang nakatayo ako sa paharap niya. "Trust me, magugustuhan ka ni Mommy."

Di na ako nakasagot sa kanya. Sana nga. Kanina pa ako hindi mapakali eh.

"Tapos na ba kayo?"

Natulak ko bigla si Maico nang may magsalita.

"M-magandang t-tanghali po." bati ko sa bagong dating. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya naman itinungo ko na lang yung ulo ko.

"Magandang tanghali naman hija." naramdaman ko yung paglapit niya saken kaya naman pigil hininga akong nakatayo lang roon.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko pagkalapit sa akin na nagpaangat ng tingin ko. Nakangiti siya sa akin kaya naman napangiti na rin ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"Naku, buti naman at nakakita na itong binata ko ng mamanugangin ko." humiwalay siya sa pagkakayakap saka tumingin ulit sa akin pero nakakapit pa rin yung dalawang kamay niya sa mga balikat ko. "Ang gandang dalaga ng napili mo. Mabibigyan mo naman na siguro ako ng apo di ba?" may pag-asa pa yung ngiti na binigay ng Mommy ni Maico.

"Ahhh..." napatingin ako bigla kay Maico. Di ko alam ang isasagot ko.

"Tama na yan Mommy. Kumaen ka na dito. Pinagluto ka ng girlfriend ko oh." ani Maico sabay turo dun sa hapag kainan.

Kumapit pa sa dibdib niya ang Mommy ni Maico saka nagsalita. "Napaka-sweet naman ng manugang ko." tumingin siya saken ng nakangiti saka bumaling kay Maico. "Pero sana pinapakilala mo muna kami sa isa't-isa di ba?"

Natawa bigla si Maico. "Oo nga pala. Sorry naman Mom!" tumayo si Maico at lumapit sa akin. "Beauty, siya ang Mommy ko..."

"Na magiging Mommy mo na rin." putol ng Mommy ni Maico sa sinasabi ng huli.

Nagroll-eyes pa si Maico saka nagpatuloy, "...na magiging Mommy mo na rin." tumingin siya saken. "At Mommy, siya ang girlfriend ko. Si Jackelyn Gervacio."

"Nice meeting you po." automatic na sabi ko.

"Nice meeting you too hija. Alam mo bang matagal ko nang hinihintay na may ipakilala sa akin ang anak kong ito? Ikaw pa lang ang naipakilala niya sa akin."

Tumaba ang puso ko sa sinabing yun ng Mommy ni Maico. Pakiramdam ko kasi napaka-espesyal ko para maging kauna-unahang babaeng ipinakilala niya sa magulang niya. Yung pakiramdam ng pagmamalaki. Na ako pa lang ang naipakilala niya sa dami ng nakarelasyon niya.

"Kain na tayo." yaya ni Maico sa amin.

Naupo na kami sa hapag. Magkatabi kami ni Maico habang ang Mommy niya naman ay kaharap namin. Mataman kong tinitignan ang Mommy ni Maico habang sumasandok ng pagkaen. Gusto kong makita ang magiging reaksyon niya sa luto ko.

Napalunok ako nang sumubo na siya ng pagkaen. Di ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Tumigil siya sa pagnguya ng ilang saglit saka ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain.

"Infairness ha, masarap magluto ang mamanugangin ko!" aniya saka nagpatuloy sa pagkain.

Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. Nakapasa yung luto ko. Buti naman kung ganun. Kahit na di naman ako kagalingan pagdating sa bagay na yan eh nagustuhan pa rin ng Momy niya.

"Ano nga palang trabaho mo hija?" maya-maya'y tanong saken ng Mommy ni Maico.

"Internal Audit po." simpleng sagot ko.

"Board passer siya 'My." walang anu-anong sabi ni Maico habang ngununguya pa.

"Oh? Aba'y ang swerte mo naman pala sa dalagang ito anak." nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

"Oo naman 'My! Walang hihigit pa sa Beauty ko noh."

Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Alam kong sa mga sandaling ito eh pulang-pula na ako. Di ako makapaniwala sa ganitong tagpo oras na makaharap ko ang magulang ni Maico. Ibang-iba ito sa naiisip ko. Tulad na lang na pagsasalitaan ako ng masama. Pero sa pelikula lang siguro yung mga ganun.

"Kailan niyo naman balak magpakasal?"

Napatulala ako sa Mommy ni Maico dahil sa tanong na yun. Seryoso talaga siya? Gusto niya talaga akong maging manugang. Ramdam ko yung bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Hinihintay ko yung sagot ni Maico.

Napalingon na ako aky Maico ng may ilang saglit na eh di pa rin siya umiimik. Nakatingin lang din siya sa akin. Maya-maya eh nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa pagkain niya.

"Di pa namin napapag-usapan yan 'My."

"Eh paano ko naman aabutan ang mga apo ko niyan kung patatagalin mo pa?"

"Ma, bata pa kayo wag nga kayong mag-isip ng ganyan." may inis sa tono ni Maico.

"Oo nga naman po. Sa ka hindi pa rin naman kami handa sa pag-aasawa." singit ko. Pero deep inside masakit yung ganung reaksyon ni Maico. Ano bang problema niya sa pagpapakasal? Bakit naiinis siya ngayong pinag-uusapan yun? Samantalang siya nga itong nagpupumilit na gusto niya nang magka-anak.

"Hay naku, kayo nga ang bahala."

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now