𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 34

66 0 0
                                    

Maaga pa lang nandito na ako sa probinsya. Kailangan kasi naming paghandaan ang pamamanhikan nina Maico mamayang gabi.

Kagabi pa nakalapag dito sa Pilipinas ang eroplanong sinakyan ng Mommy ni Maico. At ayon kay Maico eh excited na ang ito para sa paghahanda ng kasal.

Kinakabahan ako sa magiging impression niya sa pamilya ko. Alam ko naman kasing hindi ang katulad ko ang gusto niya para sa anak niya. Paano pa kung makita niya ang pamumuhay namin dito sa probinsya? Sana naman maging maayos yung kalalabasan ng pamamanhikan nila.

"Ako na po ang magluluto 'La." kinuha ko yung kawaling bitbit ni Lola.

"Wag na hija, pagod ka pa sa biyahe. Hayaan mo na lamang ako't wala rin naman akong pagka-abalahan kundi ang magluto. Hala sige't magpahinga ka na muna roon." pagtataboy niya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta na lang sa kwarto ko. Hindi ko pa man yun nasasara, narinig ko na ang boses ni Kuya.

"So, finally... nakabingwit ka rin ng malaking isda." nakangising sabi niya sa akin.

I rolled my eyes on him. "Kuya, pagod ako. Magpapahinga muna ako." hinawakan ko na yung pinto para isara.

"Com'on Jacky, ambunan mo naman ako niyang swerte mo. Yung hinihiram ko sayo... sigurado naman barya lang yun sa mapapangasawa mo."

"Pwede ba Kuya? For Pete's sake! Hindi bangko si Maico para pagwidrohan ko ng pera!" inis na sabi ko.

"Matapang ka na ha?" lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kanang braso ko. "Palibhasa nakatikim ka na ng ginto ganyan ka nang umasta sa akin?! Hoy, kahit anong bihis pa ang gawin mo, pare-pareho pa rin tayong basura!"

"Kuya, nasasaktan ako..." pilit kong inaalis yung kamay niyang lalong humihigpit ang kapit sa braso ko.

"Masasaktan ka talaga kung paiiralin mo yang karamutan mo!" masama ang tingin na initsa niya ako sa kama. "Sa susunod, hindi lang yan ang aabutin mo saken." dinuro niya pa ako saka lumabas at pabaksak na isinara ang pinto.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Alam ko namang wala akong magagawa pag si Kuya na ang nagsabi. Kahit naman nung bata pa kami di na ako makapalag sa kanya.

Ilang minuto rin ang lumipas nang may mahinang katok sa pinto. Bumukas iyon at sumilay ang pamangkin ko. Buti na lang hindi siya nagmana sa ama niya. Pinunasan ko agad yung mga luha ko habang nakatalikod sa pinto.

Nakangiti siyang lumapit at humawak sa kamay ko.

"You're getting married Tita?" tanong ni Gelai sa akin.

"Yes baby." binuhat ko siya at ikinandong sa hita ko.

"With Tito Maico?"

"Uh-huh." sabi ko sabay tango.

"Yey! Kailang siya pupunta dito?" excited na tanong niya.

"You wanna see him?" tumango siya. "Nandito siya mamayang gabi para dalawin tayo." niyakap ko siya ng mahigpit at marahang hinalikan sa buhok.

________


"Good evening po, Mommy." bati ko sa Mommy ni Maico pagkarating nila.

"Good evening naman hija." nakangiting nag-beso pa siya sa akin.

Tatlo silang pumunta. Si Maico, ang mommy niya at si Mica.

"Hi best friend! Finally magiging sister na rin kita! Weee I'm so excited!" halos patiling yakap sa akin ni Mica.

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now