𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 40 - 𝐓𝐡𝐞 𝐋𝐚𝐬𝐭 𝐁𝐚𝐭𝐭𝐥𝐞 2

84 2 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 40

Third Person's POV

Pagdating nila sa huling palapag andoon ang ama ni Calshara kasama ang anak nila na nakatali sa upuan na may benteng mga bantay.

Sakit,awa at galit ang naramdaman ng mag asawa ng makita nila ang anak.

*/clap */clap

Isang palakpak na nanggagaling sa pintong nasa tapat nila.

"Bravo! Bravo! As expected from you my dear daughter, you made it here and oh! with my son-in-law" kunyaring gulat na usal ni Calvin ng makita si Axcel.

Madilim ang awra ang makikita mo sa mag asawa habang nakatingin kay Calvin na ama ni Calshara

Kapwa naghihintay lang sila ng pagkakataong sumugod.

"Oh why don't you greet your father Monique" he said while smirking.

"You're not my father anymore Calvin" cold na saad ni Calshara sa ama.

Isang tawa lamang ang naging tugon ni Calvin dito.

"Okay then get ready to die!" Sigaw ni Calvin sabay senyas sa kaniyang mga tauhan na sugurin ang mag asawa.

"Tsk!" Sabay na singhal nila Axcel bago sumugod sa kalaban.

Walang emosyong nakikipaglaban si Calshara sa mga tauhan ng ama habang si Axcel ay naghahanap ng tiyempong makalapit sa anak.

Tunog ng baril at mga daing nila ang siyang naririnig sa palapag na iyon.

Naubos nila ang mga tauhan ng ama ngunit di nila inaasahan ang susunod na mangyayari.

"Ackk!" Daing ni Axcel ng maramdaman niya ang lamig ng bakal na tumusok sa kanang dibdib niya.

Napalingon si Calshara dahil dun at nakita niya ang kaniyang ama na hawak si Axcel sa leeg habang ang isang kamay nito ay may hawak na dagger na nakasaksak sa dibdib ng kaniyang asawa.

"Let him go!" ma awtoridad na asik ni Calshara sa ama.

Isang tawa lamang ang isinukli nito sa anak.

"What if I don't? Will you kill me?" may mapaglarong ngising saad ni Calvin sa anak.

"Difinitely I will so Let.Him.Go!" walang emosyong saad ni Calshara ngunit puno ng awtoridad.

"Na uh-uh my dear daughter lets play a game first" hindi pa din nawawala ang mapaglarong ngisi sa labi ni Calvin.

"A game of choosing, I let you choose between your husband or your son ha-ha-ha fun game isn't it!?" mala-demonyong tawa ang pinakawalan niya.

Pagkatapos sabihin iyon ni Calvin ay lumabas sa kaliwang bahagi ng palapag ang huling tauhan ni Calvin hawak ang baril na nakatutok sa ulo ng anak ni Calshara.

Napatigil si Calshara sa nasaksihan.

Hindi niya magalaw ang kaniyang katawan habang pabalik-balik ang tingin sa anak niyang umiiyak habang tinatawag siya.

Nais niyang yakapin ang anak at gilitan sa leeg ang nanakit rito ngunit di niya magawa dahil para siyang estatwa na nakaharap sa ama.

"What now Monique are you ready to choose!?" asik ng ama niya.

Napamura nalang si Calshara sa kaniyang isipan dahil di niya alam ang gagawin.

Hindi naman niya maaring piliin ang anak niya at iwan lang si Axcel o di kaya ay piliin si Axcel na ikapapahamak ng anak nila at wala din namang kasiguraduhan na ibibigay nga ng kaniyang ama ang pipiliin niya.

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐈𝐧 𝐑𝐏𝐖 𝐈𝐬 𝐌𝐲 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫?Where stories live. Discover now