𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 24
Calshara's POV
Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Rach at nakita ko naman na wala na si Axcel sa tabi ko.
"Hello Rach bakit?" Sagot ko sa tawag ni Rach.
"Kyaaaaahhhhhhh!! Bhiee may ano kyaahhhhh!!" Tumitiling saad nito.
Ang tinis ng boses akala mo manganganak na ey.
"Bakit ba kasi at saka anong ano?" Pagtatanong ko sa kanya at narinig ko naman itong tumawa ng mahina.
"Eh kasi Cal may malaking company na nais mag invest ng mga clothes natin at ang bongga pa at malaki ang offer kaso" pabiting saad nito.
"Oh yun naman pala eh ano pang kaso?" Tanong ko ulit.
"Gusto niyang pumunta tayong dalawa sa bahay niya at doon mag meeting" saad naman ni Rach.
"Eh bakit doon ey pwede namang sa office o di kaya sa restaurant at cafe?" Tanong ko.
"Eh kasi ayaw niya daw iwan ang anak niya ey 4 years old pa kasi at papa's boy" paliwanag naman ni Rach.
"Oh EDI sige pupunta tayo" sagot ko naman na ikinatili niya.
"Yiiieeee thank you bhiee kala ko kasi di ka papayag ey BTW Baka di pumayag si Axcel your husband huh" saad ni Rach na ikinakunot ng noo ko.
So may alam si Rach na mag asawa kami ni Axcel?
"Magpapa alam naman ako sa kanya at bakit alam mo na mag asawa kami ni Axcel eh di ko pa naman nasabi sayo?" Nagtatakang tanong ko at narinig ko siyang tumikhim bago nagsalita.
"Hayss bff ko matagal ko nang alam ako panga maid of honor niyo noon ey at saka saksi ako sa pagmamahalan niyong dalawa ey bago ka aksidente at nagka amnesia" paliwanag niya.
"So kung ganun alam mo rin ang tungkol sa anak Kong si Zamon?" Pagtatanong ko sa kanya.
Natahimik siya sa sinabi ko at ilang segundo pa bago siya nagsalita.
"Ah sige Cal ibababa kona ang tawag kakain pa kasi kami ni baby ey see you sa office bye" saad nito sabay baba ng tawag.
Di ko alam bakit iniiwasan niya ang tanong na iyon.
Baka siguro ayaw niya akong maging malungkot kapag narinig ko pa ang tungkol sa anak kong namayapa.
FASTFORWARD....
3rd Person's POV
Ginawa na ni Calshara ang usual routine niya at nagkuwentuhan silang tatlo sa hapagkainan tungkol sa kung anong mag asawa sila noon bago mawala ang ala-ala ni Calshara.
Pagakatapos nila sa pagkain ay unang nagpaalam si Calshara sa kanyang ina at kay Axcel na aalis siya papuntang office.
"Why wife? I thought you're in a leave?" Tanong ni Axcel sa asawa kasi tama naman 1 month leave kasi sila pareho.
"May malaking investor ng clothes ey at gusto kami pareho ni Rach makausap ng personal" paliwanag ni Calshara sa asawa.
Naintindihan naman ng asawa niya si Calshara at pinayagan ito ganun din ang ina nila dahil okay naman na daw si Calshara.
Si Axcel naman at umalis din makalipas ang 30 minutes na pag alis ni Calshara.
Nagpaalam ito sa kanyang ina na may aasikasuhin siya sa mafia organization nila.
Alam kasi ng ina ni Axcel na mafia siya dahil maging ang namayapang ama ni Axcel ay isa ring mafia at ganun din ang kanyang ina na dating mafia princess.
YOU ARE READING
𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐲𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 𝐈𝐧 𝐑𝐏𝐖 𝐈𝐬 𝐌𝐲 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫?
Random𝐇𝐞 𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐚 𝐫𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧, 𝐁𝐮𝐭 𝐬𝐡𝐞'𝐬 𝐦𝐚𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡𝐨𝐮𝐭 𝐤𝐧𝐨𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧. 𝐒𝐡𝐞 𝐥𝐨𝐯𝐞𝐬 𝐇𝐢𝐦, 𝐁𝐮𝐭 𝐢𝐬 𝐢𝐭 𝐞𝐧𝐨𝐮𝐠𝐡? 𝐇𝐞 𝐥𝐨𝐯𝐞𝐬 𝐇𝐞𝐫, 𝐁𝐮𝐭 𝐢𝐬 𝐢𝐭 𝐰𝐨𝐫𝐭𝐡 𝐟𝐢𝐠𝐡𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫? 𝐀...