XIX - Pipiliin Ko Pa Rin

2 2 0
                                    

Marahil ay nakapapagod nang lumaban — nakapanghihinawang magpanggap na kaya ko pang ilaban itong buhay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Marahil ay nakapapagod nang lumaban nakapanghihinawang magpanggap na kaya ko pang ilaban itong buhay. Sa totoo lang ay hindi na rin ito madadala sa paghalakhak, sa pagtagay-tagay na sa una'y aakalain mong makalilimutan mo na ang mga dalahing kay bigat.

Maniwalang magiging maayos din ang lahat. Na maniwalang hindi ka mananatili sa ganitong sitwasyon, nguni't darating pala sa puntong mapapagod ka na rin sa paniniwalang iyon.


Akala ko ay ayos lang. Akala ko ay ayos lang na makaramdam ng hirap. Minsan namang lumakas ang loob kong humarap sa mga dilemmang hindi ko alam kung dapat ko bang tinatamasa. Tinanggap ko na lang ito sa pag-asang madama ko na buhay ako. Subali't ang maramdaman ito na parang wala nang kapatiran?

Tila naghihintay lang ako ng kapalit na sakit. Nais ko naman munang huminga. Nais ko munang magpahinga — pero pati ata ang pahinga ay hindi ko makakamtam lalo na sa ngayon.


Hindi puwede. Hindi pa puwedeng huminto. Pagka't ang sabi naman nila ay mayroong magiging oras para sa lahat upang mapagbigyan ang mga pangarapmapaghilom ang mga sugat, nguni't kailan pa ba?


Nakaaawa na sa aking sarili, na kahit ang mga baraha ay sinasampantaha ko na hindi pa puwede. Hindi pa puwedeng sumuko.


Siguro nga ay ito na lang ang bumubuhay sa atin. Amining nahihirapan ka na pero walang magiging dahilan para sumuko ka, kumbaga ikaw ay beterano nang manduhin itong kapalaran.


At pagiging tapat na lamang sa minsang pinangako mo sa sarili ang mag-uudyok sa yaon na makipagdigma sa batelyang pagpapara ng buhay.


At kahit nakapanglulupaypay

nang lumaban,

pipiliin ko pa rin.


Pipiliin ko pa rin

ang mabuhay.


• • •

Something I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon