XX - Mabuti o Masama?

2 1 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kung maaari lamang ay mas gugustuhin kong maging masama at kung bakit? Wala lango talaga bang walang dahilan? 

Sa totoo lang ay nakapapagod kasing maging mabuti kung gayon na rin lamang kasama ang mundo sa isang katulad ko.


Ipararamdam nitong mundong hindi sapat ang iyong ginawang tama, o sadyang hindi ka balidong makaranas ng saya sa pagiging mabuti.

Na kahit gaano naaayon ang yaong mga ginagawa ay hindi pa rin ito aabot sa kamunduhan—na tayong naghahangad lamang sana na maisaayos at maging patas ang pagkakaroon ng buhay sa bawat isa—

nguni't aminin mo; hindi ganoon ang labanan sa mundong ito.


Hindi na rin ako nasasaktan sa katotohanang ito dahil mas tinutulungan ko lamang na lumamang ang paniniwalang hindi nga kay inam itong pagkabuhay sa kamunduhan, 

o baka hindi naman talaga kailan man naging mainam ito.


Ang pag-asang makaramdam ng pag-ibig at maniwalang madadaig pa ang magulong ginagalawan, tingin ko ay mas lalo lamang din gugulosana nga ay ganito na lamang ang maging pananaw ko.

Kung bakit ba kasi malambot ang yaong puso at hinahayaan mong maagrabyado.


Magindapat ba makaramdam ng sakit at lungkot ang isang mabuting tao?


O siguro minsan tayong naging mangmang sa pagtanggap sa mundong alam mong hindi naman nararapat sa iyo—hindi ka naman nararapat na makaramdam nito.


Sa huli ay nahubog ako ng masamang mundo na mas gustuhin ang maging masama at kung baki't?


Sapagka't mas nakatatalima pa ng kasiyahan ang pagiging masama kaysa sa pagiging mabuti—


Aminin mo,

ito ang reyalidad.


• • •

Something I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon