Now Playing: Masyado Pang Maaga - Ben&Ben
Inakalang mga salita ay sapat na. Inakalang lahat ay tuwid na, nguni't ako pala ay nagkakamali—amining katotohanan sa iyo'y ikinubli.
Waring sarili lamang ang inintindi at mas ninais sa kalungkutan ay manatili. Amining hindi naging maingat sa pagpasya't dalingsil ang mga ikinilos; tiwala ay hinayaang malamukos.
♪Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi nang diretsahan
'Di pagkakaunawaan
Pwede sanang pag-usapan
Tahan, pwede pa bang malaman?
Laman ng iyong isip
Para walang maling akala♪
Sa aking pag gunita ay hindi maiwasang mapaluha. Iyon na pala ang huli? Yaring mga puso ba ay hindi na mapagbibigyan muli?
Sa mga oras na ito, nais kong tumimo sa 'yo. Ako man ay tanga sa kanilang paningin, nguni't nakahanda at pursigidong mag sumamo ang puso,
"Mahal, pakiusap atin muna itong linawin-limi sana'y huwag munang burahin."
Ako ngayo'y nagsisisi sa hindi pagsabi ng mga salita na iyong kinakailangan—isa sa mga dahilan kung baki't unti-unti nang naglalaho ang iyong nararamdaman-siguro nga'y ito na ang nagtuturo sa "hanggang dito na lamang."
At ngayong ika'y lilisan na, hindi ko na malaman ang gagawin. Sa huli'y ninais ko na lamang masabing,
"Mahal, ako sana'y iyong mapatawad."
♪Parang kay bilis ng 'yong pagalis
Teka lang, teka lang teka lang muna
Sa'n nagkamali?
Pwede ba'ng bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga♪
Baki't nga ba parang kay bilis? Hahayaan na nga bang umalis? Itong pag-ibig ba ay atin nang ililihis? Parang kahapon lang tayong nag simula't ngayong dapit-hapon na't magtatapos.
♪Ano ba ang 'yong hinahanap
Nasakin ba ang kasagutan
Pano natin malalaman
Kung laging nagsisisihan
Tahan pwede ko bang malaman
Laman ng iyong isipan
Para walang maling akala♪
"Hahayaan na rin ba itong mga alaala'y ilubog sa layon?
Hahayaan na lang ba itong tangayin at tuluyan nang mawala sa paningin?
Waring pagod na ba sa pag kapit at
hindi na naman ba matatapos itong awit?"
♪Diyos ko ba't di kita malimot
Teka lang teka lang teka lang muna
Sa'n nagkamali pwede bang bumawi
Teka lang teka lang teka lang muna
Sabing sandali ba't nagmadali
Teka lang teka lang teka lang muna
Sa'n nagkamali pwede bang bumawi
Teka lang teka lang teka lang muna♪
"Mahal, ako sana'y iyong muling bigyan ng pagkakataon, baka p'wedeng h'wag muna natin 'tong ibaon? Pakiusap, atin muna itong iahon!"
Mahal, sana'y iyong madinig itong mga bulong sa hangin, 'pagka't ito ay tunay na wari ng damdamin. Ito na ang huli-huling salita—pangakong, katotohanan ay akin nang sasambitin.
Pangakong,
hindi na kita hahayaan pang mawala.
• • •
BINABASA MO ANG
Something I Could Never Tell You
PoezjaThis literary work is written in both English and Filipino. This is one of my prose collections that is all about things and ideas I couldn't just share to specific person/s (that we ever loved and cherished) nor more of a like unexpressed feelings...