XIII - Para Sa Susunod Na Ikaw

13 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


May mga oras na inaalala ko ang dating ako, nguni't ang magluksa at hilingin pang magbalik sa dating ako? Tanggap ko nang namatay ako. Namatay na ako para sa aking sarili nakaraan at ngayon — para sa ako na susunod.


Akala ko noon ay hindi normal ang masugatan lalo na sa isang bagay na nagbigay ka ng puwersa, mabuksan lang yaong puso at isipan — malaman mo man lang ang kahulugan ng pagmamahal.


Akala ko ay hindi normal masaktan kapag minsan ka nang nakaramdam ng kasiyahan sa isang bagay,

akala ko, diretso at permanente lang ang lahat.


Akala ko ay hindi normal ang mabugbog ka sa problema, maramdamang pasan-pasan mo ang mundo. Maramdamang hindi umaandar, hindi umuusad ang oras lalo na sa pagdalaw ng kalungkutan.


Akala ko ay hindi rin normal ang magkamali 'pagkat lahat ng tao sa paligid ko ay nagsasabing, "Kapag nabigo ka na, hindi na ito ang para sa 'yo. Sumuko ka na lang."

Alam kong ito ang isa sa mga dahilan kung baki't kay lamlam ng yaring mga mata.


Nguni't ang katotohanan, kailangan mong magpatuloy sa laban ng buhay. Ang katotohanang kailangan mong maranasan lahat ng ito para malaman mong "Buhay ka."

Malaman mong may kabuluhan ang pagkabuhay mo.


"Mahirap alamin ang kahulugan ng buhay. Napakagulo ng mundo. Nakaliligaw."

Minsan na akong namatay sa mga paniniwalang iyan. Hindi ko na rin nais magluksa upang bumalik pa sa kamangmangan.


Iniisip ko na lamang na ang buhay ay parang gulong; minsan ika'y nasa itaas at kung minsan nama'y gagawi ka paibaba.


Ito nga siguro ang dahilan nang minsan pagkamatay sa sarili.


Mabuti na rin pala, ano?


Ang mamatay ka

nang minsan 

para sa iyong sarili.


Para sa susunod na,


ikaw.


• • •

Something I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon