XVI - Maniwalang Maliligtas Ka Ng Pag-ibig

9 3 0
                                    

Hindi ako sang-ayon na hindi magagamot ng pag-ibig ang hinanakit mo sa mga bagay-bagay—ang galit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako sang-ayon na hindi magagamot ng pag-ibig ang hinanakit mo sa mga bagay-bagay—ang galit. Naniniwala pa rin akong kaya nitong burahin ang sakit ng nakaraan. Para sa akin ay may kakayahan itong turuan ang puso na magpatawad.


Hindi naman madali ang lahat.

Lalo na kung sa buong buhay mo, problema't kasakitan na lang ang lumalapat sa iyo. Totoo naman. Totoo namang nakagagalit na ang mundo. Dahil ni minsan ay hindi napagbigyan ang buhay mong magulo. Na ni minsan hindi mo na lang nanaisin na maabot pa ang dulo-dulo — totoo naman.

Mapapatingin ka na lang sa kawalan at maiisip mong wala nang pag-asang mabago ang lahat. Wala nang pagkakataon maayos pa ang lahat at nakagagalit lalo na sa katulad kong walang hustiya sa buhay.

Walang pagkakataon na mabawi pa ang mga nangyari kaya't magagalit na lang dahil sa wala kang magawa. Tila walang kwenta ang pagkabuhay — ganito ang pagtingin ko sa mundo no'ng una.


Masakit. Mabigat. Nakagagalit. Nakalulungkot.

Nguni't darating pala ang araw na mapapagod ka nang maramdaman ang galit. Mapapaisip ka kung hanggang kailan ko pa ba hahayaang mabuhay nang mapait. Minsan mapapaisip ka kung saan pa ba nanggagaling itong galit.


Kung tutuusin naman ay may katwiran na magalit ka nang dahil sa mga naranasan mo. Sa mga karanasang nagbigay sa iyo ng takot, ng bangungot.

Nguni't kung minsan din ay hindi na makatwiran na mabuhay ka sa gano'ng pakiramdam, dahil ito lang din ang pipigil sa iyong maging masaya.


Hindi man maintindihan kung bakit kailangan itong pagdaanan nguni't nalaman ko rin na ako at ang bawat isa ay karapat-dapat;

Karapat-dapat kang ngumiti.

Karapat-dapat kang piliin.

Karapat-dapat kang lumigaya.

Karapat-dapat kang makalaya.

Karapat-dapat kang magmahal.

Karapat-dapat kang mahalin.

Karapat-dapat ka sa iyo ang buhay na ito.


Pipiliin ka. Kapag pinili mo ang sarili mo. Doon ay may taong makikita rin ang halaga mo na higit pa sa kahit anong bagay at sa pagkakataong iyon, masasabi mong kay sarap mabuhay.


Liligaya ka. Liligaya ka kung makikita mo lang ang iyong paligid. Kitain mo kahit larawan lang ng maaliwalas na mundo, kahit huwag mo munang ramdamin ang hatid nito, doon ay matututo kang humanga sa kung anong mayroon ang mundo, at kung saan hindi mo na makaliligtaan ang magagandang bagay na nangyari sa iyong buhay.


Palayain mo na. Palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan. Hindi mo na iyon mababalikan bagkus humakbang ka nang muli — hagkan mo na ang kalayaan mo.


Magmamahal at mamahalin ka

 sa pamamagitan ng ganitong pagtingin,


hindi lang sa isang tao nguni't

kung ganoon din sa mundo.


Maniwalang maliligtas ka ng

pag-ibig.


• • • 

Something I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon