VIA'S POV: (Becky)
Nandito nga sa bahay yung mga friend ni Loren. Pinagluluto ko sila ng pagkain para din may makain sila habang umiinom dahil sabi nila ay magrerefresh daw sila.
" Sure ka friend lang kayo ni loren?"- Tanong ni andeng.
" Oo naman bakit?"- Tanong ko.
Habang nagluluto ako pinipilit naman nila na may relasyon kami ni loren, dati ba silang adik?
" Umamin ka na kasi di naman namin ipagsasabi eh"- Sabi nila haha lahat na ata ng pamimilit nagawa na nila.
" Bakit ayaw niyong maniwala? diba may boyfriend si loren? sus kaibigan niya kayo alam niyo yun eh bakit niyo pa ako pinipilit?" - me.
" Eto kasi ehhh kulit"- candy.
" Ano yan? bat kayo nagtatalo ah? "- tanong ni loren .
Sa wakas nandito na si loren ang kukulit kasi ng mga kaibigan niya eh. Pumunta na sila sa salas at dinala ko na din dun yung food na niluto ko.
" Tikman niyo masarap luto ni Via"- Pagmamalaking wika ni loren.
Aalis na sana ako pero pinigilan ako nila andeng dito daw muna ako at samahan silang uminom. Hindi naman ako umiinom eh.
" Kelan pa kayo nagsasama loren? bakit wala kang chinichika samin?"- Tanong ni candy na may halong tampo.
Nagkatinginan kami ni loren .
" Ha? sinasabi niyo? "- Loren.
" Kaya nga pinnipilit nila ako na mag jowa daw tayo ayaw nila ako paniwalaan na magkaibigan lang tayo"- sumbong ko kay loren
Natawa naman si loren ng marinig niya yun.
" Pasensya ka na sa kanila ahhh mga kulang kasi sa aruga ito eh, sige na via matulog ka na. girls hayaan na natin magpahinga si via okay? at hindi siya umiinom "- Loren.
" Thank you byeee"- paalam ko sa kanila.
At ayun nga pumunta nako sa kwarto para matulog pero nagising ako ng may marinig akong nabasag kaya naman bumangon ako agad para tingnan kung ano yun.
" Loren?"- Tawag ko.
dumeretso ako sa salas pero wala si loren dun at tulog na din yung dalawa, pumunta akong kusina at nandun nga si loren nakaupo at di na makatayo sa kalasingan, nakabasag pa siya ng baso at may sugat ang kamay niya kaya agad ko siyang tinayo at dinala sa kwarto niya.
" loren? mahiga ka muna dito hanapin ko lang 1st aid kit mo ah"- Me.
Then pagkakuha ko ng kit ay nilinis ko na yung sugat niya at nilagyan ng bond aid.
" Lasing na lasing naman to, Goodnight"- me
" Dito kalang"- Sabi niya at hinila ako, nabuwal tuloy ako sa ibabaw niya na naging dahilan ng pagdampi ng labi ko sa labi niya. Nanlaki ang mata ko dahil nagulat ako sa nangyari.
Dali dali naman akong tumayo pero nahablot niya ang bewang ko kaya di ako makawala.
"Loren bitawan mo ko matutulog na din ako"- palag ko.
" Dito kalang kaseeee"- Palipit dila niyang turan
Ewan ko kung nananaginip lang siya diyan basta ayaw niya akong bitawan .
" Bakit mo ko iniwan ahhh? bad kaaa"-Sabi niya at hinahampas hampas ako.
Hala di ko naman siya iniwan ahhh, nananaginip nga siguro siya... Dito nalang ako natulog sa tabi niya di kasi ako makaalis eh.
LOREN'S POV:
Sakit ng ulo ko, dami kong nainom kagabi... pano ako nakarating sa kwarto ko? nasa salas kami kagabi ahhh, wala akong matandaan ano ba nangyari kagabi? ................
BINABASA MO ANG
143
RomanceLove has no Gender. At hindi mo matuturuan mamili ang puso , hindi pangkaraniwan ang magmahal ng ka gender mo ngunit kung hindi mo susundin ang puso mo habang buhay mo nalang itong pagsisisihan.