LOREN'S POV:
Inaya nga pala ako ni via umuwi sa probinsya kaya lang may trabaho nga pala ako so papano to? Pano naman ako maglileave sa restaurant sino nalang ang magluluto dito?
Maghapon lang ako nagmumukmok dito sa kitchen wala kasi ako maisip na paraan para makapag off man lang ako kahit ilang araw eh.
" Chef bakit parang problemado ka? Kanina ko pa napapansin pilit mong kinukuha sakin yung ginagawa ko pero parang malayo naman ang isip mo sa pagluluto kaya napapaso ka na di mo pa alam"- sermon sakin ng sous chef ko.
" Alam mo kasi abel aahhhh taamaaaa hihihi ikaw muna ang incharge sa kitchen ah? Okay lang ba? Please? 3 days lang naman ohhh promise pagbibigyan kita sa hiling mo susundin kita sige na"- Sabi ko at nagmakaawa pa sa kanya para lang pumayag siya.
" Ay chef ano ba yan nakaka hiya naman, ahmm chef pano pag nagkamali ako? Tska di pa ko masyadong sanay chef "- sagot ni abel.
" Wag mong isipin yun ano ka ba alam kong magaling ka bilis na 3 days lang naman "- Me.
Nag isip siya ng ilang sandali " sige na nga chef 3 days lang ah".
Huu yesss finally makakaalis na din, tska papaalam pa ba ako sa parents ko? Tanda ko na ehh pero tsak naman papayag sila sige na nga magpapaalam nako.
Pumunta ako sa office para kausapin si via.
"Mam may sasabihin ako"- Me.
" Hahahaha anong mam ka jan? "- tanong niya at tinatawanan pa ako.
" Ahmm gusto kolang magpaalam man na magli leave po ako ng 3 days"- paalam at seryoso kong pagkakabigkas sa kanya.
" 3 days? Tagal naman bat ka naman maglileave ng 3 days hon este loren ay chef?"- Via.
" Ahmm aalis kasi kami ng partner ko ehh ahmm pupunta kaming probinsya para dalawin yung lola namin"- sagot ko kahit mukang pinagtirtipan niya lang ako.
Tumingin siya sakin at dahan dahang tumayo at dumeretso sa pinto at sinara ito.
" Ayus naman pala eh valid naman ang reason mo"- wika niya habang iniikutan niya ako at mabilis niya akong kiniss sa lips at bumalik din siya agad sa chair niya.
" Bilis naman nun mam parang kidlat ahh di ko namalayan "- me.
" Mabilis ba? Sige bagalan ko wait"- sabi niya at akmang tatayo .
Ngunit ng magsalita ako di na sya tumayo pa " Ay joke lang mam lalabas na po ako ahhh baka kasi may ibang lumabas eh thank you mam"-.
Kaya naman pagka uwi ko nagpaalam ako agad kila mama at papa .
" Ma, pa mag aabsent po ako ng 3 days sa work ko kasi po... Sasamahan ko si via sa probinsya bibisita lang kami sa lola niya"- Deretso kong saad kila mama at papa.
Nagkatinginan silang dalawa at bigla silang umubo " eheemmmm"- wika ni papa.
" Ehemm anak ah"- mama.
" Oh bakit naman po ma? Tanda ko ng to don't tell me na ngayon niyo pa ako hihigpitan? Papa?"- Reklamo ko sa kanilang dalawa.
" Hindi naman sa ganun, pero ipakilala mo muna samin yang via nayan bago kayo magpunta kung saan"- papa.
" Kailangan po ba talaga yun?"- me.
" Oo anak bukas na bukas dalin mo siya dito ha?"- mama.
Hayst si mama talaga ohhh pano ko ba to sasabihin kay via parang nakaka hiya naman... Kung sasabihin ko na gusto siyang makilala nila mama baka kung ano isipin ni via, ang tanda ko na pero may pa ganun pa ako.... Ay nako bahala na nga.
BINABASA MO ANG
143
RomanceLove has no Gender. At hindi mo matuturuan mamili ang puso , hindi pangkaraniwan ang magmahal ng ka gender mo ngunit kung hindi mo susundin ang puso mo habang buhay mo nalang itong pagsisisihan.