Chapter 13

621 29 1
                                    

DORIE'S POV:

7 Months na comatose ang anak ko at nawala din sakin ang pinakamamahal kong apo ng dahil sa walangyang kriss nayun. Isa akong hangal wala akong magawa para ipakulong ang lalaking yun dahil alam kong madadawit ako sa krimen na ito. Napaka sama ko sarili kong anak at apo nagawa kong ilagay sa panganib ang buhay nila.

Ng malaman ko ang banggaan huli na ng dumating ang mga tauhan ko para tulungan sila via, si yuan naubusan na ng dugo sa tindi ng tama ng ulo niya maging si via ko pero sa awa ng panginoon ay nabuhay pa si via pero na comatose naman siya.... sobrang pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa kong ito walang kapatawaran sa mga kasalanan ko na nagawa.

Mula ng magising ni via dahil sa tama ng ulo niya wala pa siyang maalala ngunit unti unting bumalik ang ala ala niya at nakapagsalita din siya pero ng malaman niyang namatay si yuan at loren sa aksidente nila na depressed siya at halos sumuko na ang katawan niya dahil hindi na siya kumakain iyak lang siya ng iyak.

parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang paghihirap ng anak ko na ako mismo ang may sala kung bat siya nagkakaganyan... Bumalik kami sa pilipinas para dito na manirahan para din madalaw palagi ang puntod ni loren . Ng mejo natatanggap na ni via ang lahat yung kunsensya ko naman aya ayaw akong patulugin, gabi gabi ako inuusig ng mga kasalanan ko.

Kailangan kong pagbayaran ang mga nagawa ko, pananagutan ko ang lahat ng ito para sa anak at apo ko at syempre isasama ko si kriss... pinasundan ko siya sa tauhan ko para malaman ang location niya para pag inaresto na kami ng mga pulis ay madali siyang mahuli.

" Mam eto po ang mga litrato niya... "- 

Sa picture na binigay nila sakin, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako dahil buhay na buhay si loren na pinatay na ni kriss base sa kwento niya kaya nagpa imbestiga pa ako para malaman ang katotohanan.

One year ago may balitang nakarating nakarating sakin na may girlfriend nga daw ang anak kong si via, i can't believe na magagawa niya yun alam niyang ayaw ko ng katulad niya sa pamilya dahil takot akong mabahidan ng kwentuhan at pangungutya ang aming pamilya kaya naman pinaimbestigahan ko si loren at nalaman ko nga na dapat ay ikakasal na siya ngunit hindi natuloy dahil sa ilang dahilan. Kinontak ko agad ang lalaking iyon and i told him na paghiwalayin niya ang anak ko at si loren kapalit ng kalakip na halaga, pumayag naman ito agad dahil mahal niya pa nga daw si loren... kaya nagplano kami upag paghiwalayin silang dalawa at nakapagbitaw ako ng salita kay kriss na payag ako sa lahat ng plano niya mapaghiwalay lang niya sila loren at via.... hindi ko man lang naisip na kaya niya palang ipahamak ang anak ko at ang apo ko.

Kaya matagal kong pinagisipan kung ipagtatapat ko ba kay via ang lahat lahat ng alam ko at nalaman ko, kaya ng magkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang nagawa kong kasalanan sinabi ko na agad kay via ang totoo kahit alam kong kakamuhian niya ako.

" Via i have something to tell you "- Sabi ko, binitawan niya ang mga aklat na hawak niya dahil nag aayus siya ng mga libro sa kwarto niya  at hinawakan ko ang kaniyang kamay.

" Ano po yun Mhie?"- Tanong niya ng may lambing.

" A-ako ang may kasalanan ng aksidente niyo anak, patawarin mo si mommy dahil sakin namatay si yuan"- pagtatapat ko sa kaniya.

Bumitaw siya sa kamay ko at umatras siya ng dalawang hakbang.

" Mommy hindi po magandang biro yan, at hindi ko po gusto yung ganyang biro"- Sabi niya habang nanggigilid ang kaniyang luha.

" Kinuntsaba ko si kriss, para paghiwalayin kayo ni loren anak dahil hindi ko matanggap na babae ang mahal mo... maniwala ka via hindi ko ginusto yung nangyari dahil di ko naman alam na ganun ang gagawin ni kriss na...alisin ang preno ng kotseng sinakyan niyo ang akala ko lang ay aagawin niya si loren mula sayo ...patawarin mo ako anak huhuh"- me.

143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon