Chapter 12

586 22 0
                                    

AUTHOR'S POV:

Ng mawalan ng preno yung sasakyan nila via at loren bumangga sila sa harang ng kalsada na malapit sa bangin, dahil probinsya ito kaya madaming bakanteng lupain at mataas na parte ang madadaanan nila ... planado ni  kriss ang lahat ng ito kaya naman matapos ang banggan ay kinuha agad ni kriss si loren at kaagad silang lumayo sa pinangyarihang aksidente at iniwan niya ang mag inang yuan at via.

Ng dahil sa kasakiman ni kriss nandamay pa siya ng inosenteng buhay ng bata na walang kaalam alam kung ano ang mga pinag gagawa nilang matatanda.

ARIES POV:

Halos atakihin kami sa nangyaring aksidente, tumawag si kriss at okay naman daw si loren nakakapag taka ang paalam ni loren sila ni via at yuan ang magkakasama pero bakit si kriss ang tumawag para sabihin na naaksidente sila tapos paanong mapupunta si kriss sa probinsya? 

" Tara na puntahan na natin si loren huhuhu"- hagulgul ng asawa ko dahil sobrang alalang alala siya sa anak namin.

Sa halip na pumunta kami sa ospital ay sa bahay ni kriss kami pumunta. 

" Okay naman na po ang lagay ni loren, wala pa po  siyang malay kaya hinihintay nalang ang pag gising niya"- Kriss.

" Sabihin mo bakit ikaw ang kasama ni loren? nasan si via ha? at yung bata?"- Tanong ko kay kriss na may halong pangsisindak.

" S-sir i'm sorry po hindi nakaligtas si via at ang bata... "- Sagot niya.

" Ano? hindi maaari yan hindi pwede "- Wika ng asawa ko at halos di niya kinakaya ang mga nangyayari.

" Paanong nangyari na nalaman mo agad na naaksidente sila at bakit nakapunta ka kaagad? "- Tanong ko.

Napalunok siya at sigurado ako na may kinalaman siya sa mga nangyari hindi ako maaaring magkamali dahil nararamdaman ko yun, malakas ang kutob ko siya ang nasa likod nito.

" P-Pinagbibintangan mo po ba ako? ako na ngang nagmamagandang loob na iligtas ang anak niyo, ang totoo may outing kami at nadaan kami sa lugar nayun kahit tanungin mo pa po mga empleyado ko team building namin ngayon pero ng biglang may sumalpok na kotse kaya at aalis na dapat kami dahil ayaw na din namin makiisyoso pa dun pero nakita ko si loren dahil pamilyar ang sinasakyan nila kaya dinala ko agad dito si loren. at yan po ang totoo"- Paliwanag niya.

" Kung ganun bakit hindi mo sa ospital dinala si loren? bakit sa bahay niyo?"- Me.

" yun po, dahil hindi naman siya maaasikaso sa public hospital at kung sa private ko siya dadalhin malamang mabawian na siya ng buhay bago pa siya madala dun dahil sa layo "- Paliwanag niya pero hindi pa din ako kumbinsido parang may mali talaga.

KRISS POV:

" Ang sabi ko paghiwalayin mo sila hindi ko sinabi na patayin mo ang apo at anak ko!!!! magbabayad ka sa ginawa mo"- Sigaw ng mommy ni via ng tumawag sakin.

" Bakit anong gagawin mo? kadawit ka dito tandaan mo yan kaya wala kang magagawa"- Sagot ko at binaba agad ang call niya.

atlis ngayon magkahiwalay na sila.

" Anak gising ka na .... anak ko"- Wika ng mama ni loren.

kaya lumapit ako agad sa kanya at niyakap siya na buong pagaalala.

" Ikaw? b-bakit nandito ako? nasan si via ah? si yuan? sabihin mo nasan sila? "- Sigaw ni loren habang umiiyak at nagpupumilit umalis para hanapin si via.

" Kumalma ka muna sasabihin ko kung nasan si via"- Me.

" Wag ka muna kumilos anak mag hunus dili ka "- Awat sa kanya ng papa niya.

143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon