VIA'S POV:
Habang wala si loren nag ayus muna ako ng gamit kong dadalhin ko pag uwi sa probinsya namin, 3 days din kasi kami dun ehhh.
Excited nako makauwi miss na miss ko ma din ang lola ko.
After that day nga natuloy na kaming umuwi ni loren sa probinsya, mahaba habang byahe at si loren lang din kasi ang nag drive .
" Ano nga pala nangyari sa meeting niyo kagabi?"- tanong ko sa kanya.
" M-meeting? Ahmm maayos naman hehe ahm, sigurado akong matutuwa ang lola mo sa regalo natin sa kanya"- Sagot nito.
Ewan may weird akong naramdaman sa sagot niya, ay basta hayaan ko na nga lang yun ang mahalaga makikita ko na si lola.
Sa pinagkahaba haba ng byahe namin sa wakas narating na din namin ang bahay namin .
LOREN'S POV:
Pagdating namin sa bahay ng lola ni via agad naman siyang yumakap ng magkita sila.
" Lola, si loren girlfriend ko"- Pakilala niya sakin .
Aaminin ko kinilig ako sa pakilala niya sakin sa lola niya dagdag pa nito sarap sa pandinig na Girlfriend niya ako.
" Ay apaka gandang bata naman nito "- sabi ng lola niya at lumapit sakin at niyakap at halik halikan ako sa pisngi .
It's weird but i liked it .
" Tara tuloy kayo sa loob "- aya ng lola.
" Wait lang po, hon buhatin kolang mga dala natin ah"- Paalam ko .
Hindi naman ako hinayaan ni via magbuhat ng mga dala namin dahil siya na ang gumawa nito para sakin .
" Maupo kalang dito, hon bisita ka okay? "- pinaupo niya ako sa may sala nila sabay nakaw niya ng halik sakin at nagpatuloy na siya sa kusina.
Nilibot ko ng tingin ang mata ko sa ibat ibang parte ng kanilang bahay, well... Ang presko ng bahay nila ang dating nito ay lumang bahay pero maayos pa naman at ang aliwalas tingnan.
"Hija mag meryenda ka na muna ahhh pagpasensyahan mo na itong bahay namin "- Sabi ng lola niya pagkaabot ng juice at tinapay.
" Ay nako okay lang po lola "- sagot ko.
" Nahihiya ako sayo hija, ikaw din pala ang boss ng apo ko sa part time niya? "- wika ni lola.
" Ahmm o-opo lola, mas okay na po na nababantayan ko siya hehe para maka focus din siya sa school po niya"- me.
Nagka kwentuhan nga kami, naging topic namin ang buhay ni via.
" Mabait naman si via pero, wag ka sanang magdalawang isip na pagalitan siya pag may mali siyang nagagawa sa trabaho ah? "- Lola.
" Yes lola mabait naman po talaga si via at masipag, at inaamin ko naman po napapagalitan ko din siya may pagkamapasaway kung minsan hehe "- Sagot ko.
Luminga linga si lola sa paligid na parang naninigurado kung nakikinig ba si via sa pinag uusapan namin.
" Nagsisikap talagang maigi si via para mahanap na niya ang magulang niya, ang totoo niyan pinaalagaan lang sakin yan nung bata pagkatapos ay di na siya binalikan ng magulang niya... Ahmm sandali lang ahh tulungan kolang si via magluto"- Banggit nito ng tawagin siya ni via.
So wala talaga siyang kinalakihan na magulang? Kaya pala sobrang mahal na mahal niya ang kaniyang lola.
Nagbihis ako ng pang araw araw kong damit, di naman ako tatagal na nakaganto lang noo kaya naman tumulong nako sa kanila maghanda ng pagkain for dinner.
BINABASA MO ANG
143
RomanceLove has no Gender. At hindi mo matuturuan mamili ang puso , hindi pangkaraniwan ang magmahal ng ka gender mo ngunit kung hindi mo susundin ang puso mo habang buhay mo nalang itong pagsisisihan.