Chapter 4

929 25 1
                                    

VIA'S POV:

Wala akong maalala about kagabi, first time ko uminom nakakalasing pala talaga ang alak no? Pero di ko naman akalain na ganun kalala ang mangyayari.

" By the way sabi ni ken Top one ka daw? Well congrats keep up the good work i have something for you later pag uwi moooo "- wika niya at pag iba sa usapan, tinanong ko kasi kung ano nangyari kagabi at bigla naman siyang natahimik.

" Ang sweet namaaan i Love you"- sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.

" Y-you love me?"- ulit niyang tanong .

Parang nagdududa pa ahhh.

Kiniss ko siya tska ako dumeretso na sa pagligo.

LOREN'S POV:

I heard na may sakit daw si mama, kaya naman umuwi ako sa bahay at ngayon ko lang ulit nakita si mama na napirmibsa bahay.

" Ang dalaga kooo, namiss kita"- sabi niya at niyakap ako.

Namiss daw pero di naman ako gusto makasama hayst.

" Minsan kalang umuwi ng bahay ma pero ayoko naman na may sakit ka... Kaya magpagaling ka po"- Me.

" Anak? Ahmmm nag iisa ka naming anak  kaya naman sabik ako na makita kang magkaroon ng sariling pamilya bago man lang ako tumanda ng sobra "- Mama.

" Alam mo naman po na i don't like baby right ma? Maigsi ang pasensya ko at hindi ko kayang mag alaga ng baby "- Me.

" Anak kailangan mo yun nasa tamang edad ka na mana bakit di pa kayo magpakasal ni kriss? "- Mama.

Eto nanaman po kami paulit ulit nalang.

" Ma hindi ko naman mahal si kriss ehhhh alam naman natin na kailangan lang ni papa ng pamasak sa business niya kaya halos ibenta niyo na ako sa kanya"- Me.

" Mahal ka ni kriss anak, matututunan mo din mahalin si kriss anak... Aaminin ko sayo ang totoo nalulon sa sugal ang papa mo at lahat ng business natin maaring mawala dahil ito ang pinambayad niya ng matalo siya"- mama.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni mama iniisip ko na baka sinasabi nila ito para magpakasal kami ni kriss.

" Sooner or later makukulong ang papa mo... Yan ang dahilan kung bakit madaling madali kaming ipakasal ka kay kriss, sorry anak ang pamilya ni kriss nalang ang nag iisang susi para hindi mawala satin ang papa mo"-  wika ni mama habang tumatangis ito ng iyak sakin.

" Ma? Anong gagawin ko? Hindi ko kayang pakasalan si kriss... Wala na po bang ibang paraan?"- Me.

Umiiling iling na umiiyak si mama. Hindi ko alam kung anong gagawin kooo naguguluhan ako, ayokong makulong si papa pero ayokong pakasalan si kriss, paano nalang si via? Hindi ko kayang mawala siya sakin.

Kahit may kinakaharap akong problema isasantabi ko muna ito dahil nangako ako na mag surprise ako kay via mamaya . Dumaan ako sa isang flower shop then bumili ako ng necklace for her.

Then sinundo ko na siya sa school...

" Sakay na"- Me.

Pagkasakay niya inabot ko na agad sa kanya yung flowers at matapos ito ay dinala ko siya sa isang restau.

Habang kumakain kami marahan akong tumayo at tumindig sa likod niya at sinuot ng malumanay ang kwintas sa kanya.

" Nakakahiya naman, hindi naman kailangan ng ganto ehhh makasama lang kita masaya nako"- wika niya habang nag pupunas ng luha sa mata.

" Hayst you deserve it all honey"- wika ko at kiniss siya sa ulo.

Then naupo na ulit ako at nagpatuloy kami sa pag kain.

143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon