LOREN'S POV:
Gabing gabi naman mag aya si via na maglakad lakad, mejo pagod na din kasi ako ehh.
" Hon parang ang layo na natin balik na tayo"- Aya ko sa kanya pabalik.
" Konti nalang hon ahmmm hindi pa bumababa kinain ko eh"- sagot niya at nagpatuloy kami sa pag lakad hanggang sa marating na namin ang dalampasigan....
Bigla nalang may magandang fireworks akong nakita kaya naman nakuha nito ang pansin ko .
" Hon grabe ang ganda nun no? "- tanong ko kay via ngunit wala naman siya paglingon ko sa kanya.
Kaya naman nag alala ako at nag panic luminga linga ako sa paligid ng may makita akong mga petals ng rose, kaya naman sinundan ko ito baka nandun si via eh.
Paglagpas ko ng cottage sa dulo ng mga petals nakita kong nakatayo si via duon sa tabi ng maiilaw na disenyo at tila may dala siyang isang bouquet ng bulaklak.
" Teka via ano to?"- tanong ko paglapit ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at iniabot ang bulaklak pagka abot ko ng bulaklak sabay naman niyang pag luhod..
" Alam kong parehas tayong babae, parehas tayong malakas ang toyo at marami tayong pagkakaiba ngunit yung pagkakaiba natin nayun... Tinanggap natin at minahal ang isat isa.. Loren san Andres will you be my wife? Pangako mamahalin kita at aalagaan hanggang akoy nabubuhay... Papaligayahin kita at hinding hindi sasaktan"- Via.
Hinawakan niya ang kamay ko at talaga namang bumuhos na ang luha ko dahil halo halo na ang emosyon ko, nandun yung saya, kaba at takot pero buong tapang kong iniabot ang kamay ko sa kanya kahit na dapat ako ang gumagawa nitong proposal.
" Tumayo ka na nga ano ka ba bakit ikaw pa nag propose? Ako dapat to ehhh... Pero Yes I do i will mary you kahit saan pa tayo ikasal... I love you huhuhu"- wika ko habang magkayakap kaming dalawa at naiiyak na sa tuwa.
Sobrang saya ko, parang panaginip ang mga oras na ito pero kung panaginip man ito ayoko ng magising.
" Wow congratsss so engage na kayo? huuuu eh kung ipadala ko ang video nato sa parents mo via?"- Naagaw ni kriss ang atensyon namin ni via ng magpakita siyang pumapalakpak at nagsalita ng sarcastic.
" K-kriss bakit ka nandito? Pano mo nalaman na nandito kami?"- tanong ko.
" Ano pa ba ade sinundan kayo... So pano isesend ko na ba?"- Kriss.
" Isend mo, may mababago ba kung isesend mo? Alam mo kriss ano ba mapapala mo kung isend mo yan sa mommy ko? Ipaglalaban ko si loren kahit ano ang mangyari at walang makakapag hiwalay samin, hindi ka magtatagumpay sa gagawin mo magsasayang kalang ng oras at pagod..mabuti pa at umalis ka na at hayaan mo nalang kami"- via.
" Ganun ba, send ko na din wala naman pala akong mapapala ehhh"- sabi ni kriss.
" Ano pa ba gusto mo kriss ah di pa ba malinaw sayo na ayoko na ngang bumalik sayo? "- Me.
" Hindi malinaw yun, hinding hindi pwedeng mapunta ka sa iba 3 years nakong naghihintay at sunod ng sunod sayo na parang aso tapos wala man lang akong mahihita sayo? Wala pa akong nagustuhan na hindi nakuha kaya gagawin ko ang lahat mapasakin kalang"- Kriss.
" Hibang ka na kriss! May sayad ka na!!!"- sigaw ni via.
Bigla nalang akong hinila ni kriss, pilit niya kaming pinaghihiwalay ni via.
" Bitawan mo ko hayup ka! Hinding hindi mo ko makukuha dahil wala kang puso!"- sigaw ko pero wala na kaming magawa... Tinulak niya si via na naging dahilan ng pagka salampak nito sa lapag ...
BINABASA MO ANG
143
RomanceLove has no Gender. At hindi mo matuturuan mamili ang puso , hindi pangkaraniwan ang magmahal ng ka gender mo ngunit kung hindi mo susundin ang puso mo habang buhay mo nalang itong pagsisisihan.