My Story

55 3 1
                                    

®¤•PROLOGUE•¤®

Ang buhay ay parang pagsakay sa jeep. Maingay, maalinsangan at higit sa lahat siksikan dahil sa mga taong kasama mong sumakay. Mga taong may ibat-ibang ugali o personalidad na ku-kumpleto sa mahabang upuan ng jeep. Isama mo pa ang dispatser na pilit kang pina-uusog kahit wala nang space para lang makasay ang iba; at ang driver na kung magpatugtug ng dayang-dayang eh akala mo concert sa araneta o new year sa sobrang lakas.

Sa pagtakbo ng jeep, marami kayong madadaanan. Ito ay nagsisilbing pagsubok kung hanggang saan ang kaya mong tiisin makarating kalang sa iyong distinasyon. Lubak, makipot, traffic, mausok, mabaho. Ilan lang yang sa mga pwede mong pagdaanan; pwede mong maranasan.

Sa pagbabayad, hihingi ka ng tulong upang iabot ang iyong pamasahe sa konduktor. May ilang mabubuting pusong nagbubukas palad para tulungan ka. May ilan namang titingnan ka lang. May ilan na nagbibingihan. At may ilang nais sanang tumulong kaya lang hindi magawa dahil mayroon silang bitbit o di kaya ay natutulog sila.

Nang nag-umpisa ang takbo, buo pa kayo ng mga kasama mo sa byahi. Subalit habang dinaraanan nyo ang mga pagsubok ng kalsada ay unti-unti ring nag-aalisan ang mga nakasama mo. May iba na di nakayanan ang traffic kaya bumaba na. May iba na di nakayanan ang siksikan at pulosyon kaya bumaba nalang at sumakay nang taxi. May iba na may nakalimutan o di kaya'y lumagpas sa kanilang distinayon dahil nga nakatulog kaya kailangan nilang bumalik. May iba naman na narating na nila ang kanilang distinasyon kaya kailangan na nilang bumaba.

Minsan maiinggit ka kasi ang bilis nilang nakarating sa distinasyon nila samantalang yung sayo malayo pa. Ganon pa man, hindi ka parin malulungkot kasi may bumaba man, mayroon namang bagong sasakay na uupo sa nabakanteng silya kaya hindi ka mag-isa sa byahe.

Pero alam mo kung anong masaya sa pagsakay sa jeep? Yung alam mong nakarating ka na sa iyong distinasyon na sa kabila ng siksikan, usok, traffic, alinsangan at iba pa eh nakayanan mong lagpasan ang mga iyon ng buong puso. Tapos sasabihin mo sa driver "Mama para. Bababa na ho ako." At hihinto ang jeep ta's bababa ka na.

Sa pagbaba mo sa iyong distinasyon, doon palang magsisimula ang tunay na laban ng buhay; ang mundo sa labas ng jeep kung saan ikaw lang mismo ang haharap mag-isa. Wala kanang kasama. Dahil yan ang buhay mo; buhay na nakalaan sayo. At kailangan mo itong harapin ng maytatag at paninindigan upang magtagumpay sa pangarap ng iyong buhay.

Subalit ika nga nila, "No man is an island." kaya pilitin mo mang mapag-isa meron at merong ibibigay sayo ang tadhana na makakasama mo sa pagharap sa tunay na mundo.

Pero paano kung ang taong yun ay ang kasakayan mo sa jeep? Hindi mo lang makita kasi nasa malayo ka nakatingin.

Paano kung ang taong yun ay ang katabi mo mismo sa jeep? Hindi mo lang nakita kasi nakatulog ka o di kaya'y nagti-txt.

Paano kung ang taong yun ay ang nasa front seat? Hindi mo lang makita kasi nakatalikod sa'yo.

Paano kung ang taong yun ay ang nakasakay sa kabilang jeep? Hindi mo lang nakita kasi puno na ang jeep na sinasakyan mo at kailangan niyang sumakay sa iba.

Paano kung ang taong yun ay ang taong nadaanan ng jeep niyo na naglalakad? Hindi mo lang makita kasi sapaw ang nakaupo sa harapan mo.

Sa dinami-rami ng tao sa mundo at sa lawak ng lupain nito, mahahanap mo pa kaya ang taong yun? Baka puro ka nalang paano. Baka lumipas na ang mga araw pero patuloy kaparin sa paghahanap. Baka yung iba sumuko na at ikaw nalang ang hindi pa.

Pero alam mo kung ano ang masakit? Yung akala mo sya na talaga pero hindi pa pala. Katulad lang pala sya ng iyong kasakayan sa jeep. Sasabay sayo sa pagsakay pero bababa at aalis lang nang di mo namamalayan. Magugulat ka nalang na wala na siya.

Paano ka na maniniwala na may forever kung yan ang nangyari sayo? Iisipin mo na lang ba na pakulo lang ni Disney ang happily ever after? Na promo lang sa ABS-CBN mobile ang happy lang walang ending? At si Marcelo nalang ang naniniwala na hanggat hindi pa happy, hindi pa ending?

Parang gusto mo nalang tuloy sumuko kasi iniisip mo na sa panahon ngayon,

SAGING nalang ang may PUSO,
TANGHALI nalang ang TAPAT,
RED HORSE nalang ang TAMA
BILIHIN nalang ang NAGMAMAHAL,
DATU PUTI nalang ang NAGPAPAKILIG
MOTOLITE nalang ang TUMATAGAL
at
M.LHUILLIER lang ang MAPAGKAKATIWALAAN
pati HOPE naging SIGARILYO na,
ang TRUST naging CONDOM na,
pati PANATAG nasa LACTUM na, isa pa,

you can only find true LOVE in SAN MARINO TUNA.

Ang saklap diba? Pero hindi ka dapat sumuko kasi alam mo na lahat ng ito parte lang ng buhay. Ito yung magpapatatag sa iyong sarili. Tsaka nagsisimula palang ang laban ng buhay, ang storya. At sisiguraduhin mo na magiging masaya ang ending nito. Tapos sasabihin mo sa sarili mo na

I will write my own chapter

because......

I am the Author of.....

My Story

(AN: yung sa panahon ngayon, pinasa lang po yun sa akin. GM ba. Kaya hindi po yun sa akin)

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events is purely coincidental.

Attention:

No part or parts of this book will be reproduce in any forms of media without the consent of the sizzling hot author.(mwahahaha) Remember, plagiarism is a crime so go to jail (bwahaha ^o^v)

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon