Chapter 1

15 1 0
                                    

"Teh anong drama to?"
tanong sa kin ni Macey habang hawak ang isang papel.

"Hindi yan drama. Yan yung essay na ipapasa ko kay Ms. Sanchez tungkol sa love life"
sabay hablot sa papel at ibinalik sa study table ng dormitoriong tinutuluyan namin.

"Fire, tapatin mo nga ako. Hindi ka parin ba nakakamove-on? Hindi mo parin ba siya makalimutan?"
tanong niya tsaka umupo sa higaan ko. Tinabihan ko siya at binigyan ng isang malungkot na ngiti.

"Fire, ang tagal na non. Halos mag-iisang taon na. Kailangan mo na syang kalimutan at  magmove-on."
imbis na sagutin siya, binigyan ko sya ng isang tanong.

"Mace, do you know why it's easy to study gravity than acceleration?"
kumunot ang noo nya at nagsalubong ang dalawa nyang kilay.

"Fire naman eh! Alam mo naman na kalaban ng kaharian ko sina Newton, Einstein, Galeleo at sino pang Poncio Pilatong alagad ng syensia tapos tatanungin mo ko nang ganyan."

Now, I gave her a genuine smile

"Kasi, it's easier to 'fall' than to 'move-on'."
pagkasabi ko nun, nagulat ako sa ginawa nya. Bigla syang tumayo, sumayaw at pagkatapos sumigaw ng

"HUGOT!"

pagkasabi nyang yun, biglang pumasok ang dalawang ka boardmate namin at binuhat sya na parang star dancer. Binaba naman sya ng mga ito matapos ang ilang segundo at lumabas ng walang paalam.

"Haaahahahaha......Mace ang epic ng pa-utot mo....hahahahaha.....bwahahahaha."
nang tiningnan ko siya, magkasalubong na ang kanyang kilay.

"Sorry hindi ko mapigilang tumawa hahaha"
grabe talaga sya kinuntyaba pa nya yung kasamahan namin para lang gayahin yung segment sa tv

"Okay lang at least napasaya kita. Matagal narin kitang di nakikitang ganyan."
tama si Macey simula nung nangyari yon, hindi na ko masyadong tumatawa. Naging focus ako sa pag-aaral. 'Pag yinayaya nila akong lumabas, tumatanggi ako at nagdadahilan ng kung ano-ano.

"Pero Fire payong truefriend lang ha. May mga bagay na kailang mo nang e-let go para gumaan ang iyong pakiramdam at tuluyan ka nang sumaya."
bumuntong hininga ako sa sinabi nya. Tinamaan ako dun.

"Oo alam ko. Sa ngayon hindi ko parin kaya pero huwag kang mag-alala, susubukan kong e-let go ang mga bagay na nagpapabigat sa pakiramdam ko ng unti-unti. Malay mo magising nalang ako, nakamove-on na pala ako."
nginiti-an nya ako at yinakap ng mahigpit

"That's the spirit Fire. That's my Saffire Nicoal de Lutuan. The one that I used to know."

"And your my one and only Macey Idiot. The one who never left me. A true friend indeed."
then I hugged her back so thight.

"Wag mo namang sabihin yung buo kong pangalan ang bantot kaya. May apoy na, uling tsaka lutuan pa. Kulang nalang ulam. Alam mo namang nagmomoment tayo eh"
pagbibiro ko sa kanya.

"Hoy ikaw kaya dyan yung gumanting sabihin yung apyelido ko."

"Eh at least yung sayo English sosyal"
at kumalas na kami sa pagkakayakap sa isat-isa at tumawa

"Haaaay sige na nga matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas at baka kung saan pa mapunta yung usapan natin mag-aaway pa tayo."

"Oo na"
at lumabas na sya ng kwarto ko. Haaay! She will always be my truefriend.

---------
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa puting kisame. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nangyari. Inalala ko yung mga masasayang memories namin together. Di ko namalayan na tumatakas na pala ang mga luha saking mga mata. Napakasakit, napakalungkot hanggang sa tuluyan na kong lamunin ng kadiliman at nakatulog.



AN: Thank you kay JD a.k.a Confu_sious para sa cover photo sa itaas. Salamat talaga

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon