Chapter 11

9 0 0
                                    

RECESS

Naunang lumabas sakin si Frozen dala yung binagay kong cookies. Natapos ang dalawang period nang hindi nya ako kinakausap.

Ngayon mag-isa akong kumakain dito sa canteen. Nakakabagot, nakakalungot. Mukhang nagtampo ata talaga sya. My bad. Sana hindi ko nalang yun sinabi. Ngayon tuloy nag-iisa ako.

"Ahm.... Pwede bang maupo?" may biglang nagsalita na ikinagulat ko.

Nang tiningnan ko, si Windel pala. I just gave him a nod at umupo na nga sya katapat ko. I just have a gut feel na mayroon syang sasabihin kaya pinagbigyan ko.

Katahimikan ang namayani sa amin. Nakikita ko ang struggle nya at uneasiness. Para kasing mayroon syang gustong sabihin na nahihiya sya kaya nag-iniciate na ako.

"Malapit nang matapos ang break. Kung hindi ka magsasalita jan, masasayang lang ang effort mo. At kung wala ka namang balak talaga na magsalita, aalis na ko, marami pa akong aasikasuhin." Aakto na sana akong paalis ng bigla nya akong pigilan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" saad niya habang hawak parin ang aking kamay.

"Nag-uusap na tayo." sabi ko sa kanya.

"Uhm..... Fire, I know I've cause so much pain in your heart because of my dumbness shit and I know that there is a very small probability for you to forgive me but I will hold on to that chance Fire. Even if it means never. I know that our relationship will never be the same but please, allow me to say this to you fire...."
mahabang saad niya sa akin.

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Pinagtitinginan tuloy kami dito ng lahat.

Bigla nyang kinuha ang aking mga kamay tsaka pinatong iyon sa kanyang nakapikit na mga mata

"Fire, I'm sorry. I'm so so sorry. Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan ang araw na iyon. Aamin ko na naging gago ako. Gago ako kasi pinakawalan kita. Pls. give me a chance na maging magkaibigan tayo ulit. Kasi fire para akong pinapatay tuwing nakikita kita pero hindi kita makausap. Ang lapit ko sayo fire. Seatmate lang tayo pero ang totoo ang layo layo ko fire. Sana maging magkaibigan tayo ulit. I'm sorry I'm so sorry" sabi nya while sobbing

Grabe. Kung siguro ibang tao ako maaawa ako kay Windel sa kalagayan nya ngayon.

Pero alam nyo, habang nakikinig ako sa kanya, nafeel ko na sincere sya sa mga sinabi nya. Kaya sino ba naman ako para kumontra diba?

"Alam mo Windel, Hindi mo man hingin, napatawad na kita. Siguro nga hindi na mababalik yung dating tayo pero pwede naman tayong magsimula bilang magkaibigan. Kaya tumayo ka na dyan." Sabi ko sa kanya.

"Friends?" tanong nya habang nakaluhod parin.

Tinanguan ko nalang sya at nginitian. Bigla nalang syang tumayo at yinakap ako ng mahigpit.

"Salamat Fire. salamat"
At nagpalakpakan ang mga tao sa canteen.

Frozen's POV

Papunta ako ngayon sa Canteen para hanapin si Fire. Hindi kasi ako nakasabay sa kanya dahil meron akong inasikaso sa Lib. Hindi ko sya nakausap nong first at second period dahil nahihiya ako.

Nahihiya ako kasi kahit napagsalitaan ko sya ng ganoon, binigyan nya parin ako ng cookies.

Isa pa magsosory ako sa kanya sa mga nasabi ko at yung sa cookies na binigay nya kasi mayroon din akong nagawang kasalanan.

Nang nasa may canteen na ako, nagimbal ako doon sa aking nakita.

Isang lalaki ang nakaluhod hawak ang kamay ng isang babae. Hindi ko masyadong makilala kasi ang layo nila tsaka isa pa ang daming tao. Pero doon ako nagulat nung makilala ko kung sino ang babae. Kahit malayo sya makikilala ko parin sya. Kahit pa nakatalikod sya, malalaman ko parin kung sino yun kasi sya si Fire, ang babaeng mahal ko.

May sinasabi si Fire sa lalaki. Hindi ko naman marinig kasi nga ang layo ko kaya humakbang ako para lumapit.

May tinanong ang lalaki kay fire at tumango si fire bilang sagot.

Napako ako sa kinatatayuan ko nung biglang tumayo ang lalaki at niyakap si Fire. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nasaksihan. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.

Kahit malayo man sila at hindi ko naririnig ang kanilang sinasabi, kitang kita ng dalawang mata ko ang nangyari at hindi rin ako tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin nung ginawa nila.

Ngayon, tinatanong ko ang sarili ko. Akala ko ba hindi pa sya handa? Pinaglalaruan lang ba nya ako? o Pinapaasa? Sana sinabi nalang niya ng tapat sa akin nang hindi ako umasa ng ganito.

Hindi ko tuloy madistinguish kung ano tong nararamdaman ko. Galit? Lungkot? O awa sa sarili?

Hanggang sa may naramdaman akong mumunting mga luha na dahan dahang dumadaosdos sa aking dalawang pisngi. Ang sakit pala ng ganito.

Agad akong tumalikod sa kanila at nagmadaling umalis. Ayokong makita nila akong ganito.

Fire's POV

Nagpaalam ako kay Windel na mauuna muna ako dahil meron pa akong aasikasuhin.

Nang nasa labas na ako ay naaniniag ko si Ice na naglalakad. Ang pinagtataka ko ay parang wala siya sa sarili dahil nababangga niya ang mga nakakasalubong nya. Agad akong tumakbo upang abotan siya.

Susuntukin sana si Ice ng lalaking nakabangga niya ng bigla ko siyang hilahin at tumama ang suntok ng lalaki sa concrete wall ng skwelahan. Nagtatalon naman sa sakit ang lalaki kaya kinuha ko ang oportonidad para hilahin si Ice at tumakbo kasama siya.

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon