Chapter 6b

5 0 0
                                    

Mali. Hindi pala ito pagkagulat kundi pagkamangha. Sobrang ganda.

Ipinakita nya sa akin ang isang tanawing di natutumbasan ng pera. Unti-unting humahalik ang ginintuang araw sa kulay pilak na dagat. Tanaw na tanaw ko ito mula dito sa rooftop ng Carcier old building. Ang ganda talaga na halos di ako makapagsalita. Sa totoo lang, di pa talaga ako nakakakita ng sunset na sa mismong dagat lulubog kaya tuwang tuwa ako. Ewan ko ba pero parang may significance ang sunset.

"Nagustuhan mo ba?"
nakangiti nyang saad sa akin.

Imbis na sagutin sya ay binigyan ko sya ng mahigpit na yakap na sya namang ikinagulat nya.

Nang maramdaman ko ang awkwardness sa pagitan namin eh bumitaw na ako at sinabing

"ah eh hehehe sorry. Nadala lang ako sa sobrang saya. Kasi ano uhmm first time ko kasing makakita ng sunset na sa mismong dagat lulubog. Kaya salamat ng marami"
sabi ko habang nakangiti and while poking my two pointing fingers at each other.

Totoo talaga yun kasi nung nagpupunta ako dito, hindi ako nagpapaabot sa ganitong oras. Agad din akong umaalis.

"Sus ano ka ba? parang yun lang."
at bumalik yung tingin sa sunset.

Binalik ko na rin ang tingin ko doon sa sunset nang maramdaman ko ang pagstep forward nya para ma inline sya sakin. Tiningnan ko sya at tumingin din sya sakin.

Nagpalitan kami ng mga ngiti sa isat isa at binalik ko ang tingin ko sa sunset nang maramdaman ko ang kamay nya na pumatong sa balikat ko. Kung titingnan para kaming magsyota. eeeeeeee kilig much!

"Sana kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglubog din ng iyong galit at hinanakit. Ang sunset ay nagpapa-alala sa atin na kahit gaano man kasama ang nangyari sa iyo sa araw na iyon, ito ay lulubog at matatapos din. Ang sumunod man nito'y mahabahabang oras ng kadiliman ng gabi, mayroon namang buwan at bituing nagbibigay liwanag na nagsisilbing pag-asa na pagkatapos ng mahabang kadilimin ay may isisilang na bagong liwanag ng araw. Ang bukangliwayway na nangangahulugang bagong simula at pagbangon"

end of flashback

Hila-hila nya parin ako ng biglang may mabangga akong lalaking nerd. Meron syang dalang frappe kaya naman tumapon ito sa damit nya.

Magsosorry sana ako ng pormal kaya lang patuloy parin akong hinihila ni Frozen kaya naman ay sinigaw ko nalang.

Nagtaka ako ng sumigaw ako ng sorry eh parang natulala sya. Nakakatulala na ba ngayon ang sorry? Wag ko na nga lang pansinin.

Nakarating na kami sa cafeteria at humanap ng upuan. Ang daming students kaya nakakailang tuloy pero ang mas nakakailang eh feel ko lahat sila nakatingin sa amin. Sino ba namang 'di titingin eh kasama ko ang isa sa kanilang 'campus crush' kuno.

Tinanong nya ako kung anong oordirin ko. Sinabi ko nalang na spaghetti tsaka coke. Umalis na sya kasama ang bayad ko.

Akala nyo siguro nilibre nya ako no? Yun din ang akala ko pero yung walangya di man lang ako nilibre. Ang kapal talaga.-_-#

Habang naghihintay ako sa table, may babaeng slim, maputi at maganda na biglang umupo sa harap ko.

"Hi Fire. Kumusta"
sabi nya habang nakangiti

"Uhm excuse me, do I know you?"


[AN: Gusto ko lang pong magpasalamat sa mga nagbasa ng walang ka torya toryang kwento ko. Kahit prologue lang ang binasa nyo at hindi nyo na tinuloy, maraming maraming salamat parin po talaga. Napakalaking bagay na po nito sakin.]

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon