"Hoy ano bang nangyayari sayo ha?" tinignan lang niya ako ng matalim tapos ngumiti ng mapait at nag "Tsk".
Aalis na sana siya nang pigilan ko at tinanong ko ng
"Ice, may problema ba?"
lumingon siya sakin at nakita kung tumulo ang butil ng mga luha sa kanyang mata."Problema? problema ko fire ay ikaw. Akala ko ba hindi ka pa handa? Eh ano yung nakita ko kanina sa Canteen. Akala ko pa naman matino kang babae. Katulad ka lang pala nila. Paasa. Ano Fire, masaya bang paglaruan ang feelings ko? Alam mo sana diniretso mo nalang ako hindi yung makikita kita nalang kitang sinasagot ang kung sino mang bugok na yun."
bigla akong natawa sa sinabi nya.
"Bwahaahahahahaha hahahaaah ahe ahe ahe hahahahahahaha"
nakita kong nagsalubong ang kilay nya at aakto nanamg aalis nang pinigilan ko." ahe haha Sorry kasi haha Okay. Stop na. hehahahah Ganito kasi yun. Yung tinutukoy mong bugok, si Windel yun."
"Si Air?"
"Ahuh. At naalala mo yung nangyari sa rooftop?" sabi ko.
"Fire wala namang nangyari satin sa rooftop ah. Teka, Wala nga ba? Baka pinagsamantalahan mo ko nang hindi ko namalayan. Fire Panagutan mo ko!"
binatukan ko siya ng pagkalakas lakas. Seriously -_-#"Yung nagsisigaw ako! Tapos tinanong mo ko kung ano ang nagawa ni Windel. Ring a bell?"
"Ah yun ba yun?" sabay kamot ng ulo
"Yon Yun!!! Eh kasi ganito nga, pinuntahan nya ko sa canteen, humingi sya ng tawad, lumuhod sya, pinatawad ko sya, yinakap nya ko, nagpalakpakan ang mga tao, TAPOS.!"
"Ah ganon pala. hehe mukha akong tanga" sabay kamot uli ng ulo. Yung totoo may kuto ka no?
"Ikaw talaga. Tara na. Tapos na ang Recess." sabay kaming nagtungo sa susunod naming klase.
Sa gitna ng aming paglalakad, naalala ko ang binigay kong cookies.
"Uy Prozen, kamusta pala yung binigay ko sa'yong cookies?"
"Ah... eh... ahm... Masarap! Oo yun Masarap! Sobra. hehe"
"buti naman" at pumasok na nga kami sa aming klase.
_________
Frozen's POV"Bro kailangan ko ng tulong mo." sabi ko kay Jandel
"Kahit ano bro basta kaya ko."sagot nya.
"Ganito kasi yun bro......" at sinabi ko sa kanya ang aking hinaing
_________
Fire's POVNasa washroom ako hang naghuhugas ng kamay ng biglang dumating si Chenlie at ang mga alipores nya.
"Girl, I can't believe na binigyan ka ni Ice ng present. Wait, nanliligaw ba sya sayo? Answerte mo pag nagkataon" sabi ng kaibigan nyang nagngangalang Linzie.
"And guess what? He baked it himself just for me. So sweet right? Well, wag nyo muna akong tanungin. Hayaan nating sya ang magsabi sa buong campus kapag nagpropose na sya as my bf." sagot ni Chenlie
Agad ko silang tiningnan nang biglang napako ang mata ko sa hawak niyang transparent tupperware na naglalaman ng cookies. Hindi ako maaaring magkamali. Ito yung binigay ko kay Frozen. Pero bakit......
"Oh Fire, nandiyan ka pala?" tanong ni Chenlie habang nakangiti at nakataas ang isang kilay.
Hindi. wala ako dito. Hologram ko lang to. Bwesit.
"Yah. Sige una na ako." at walang ano-ano akong umalis.
Papaanong.........Bakit..........Wala akong maintindihan...........Ang sakit.
BINABASA MO ANG
My Story
AcakSabi nila, hindi pa man daw tayo pinapanganak ay may nakalaan nang tao na syang makakasama natin at mamahalin habang buhay. Soulmate daw yun. Pero sa dinami-rami ng tao sa mundo at sa lawak ng lupain nito, mahahanap mo pa kaya ang taong yun? Baka pu...