Chapter 5

11 1 0
                                    

October na kaya naman malapit na ang Carcier Academy Sports Feast. Excited na ako! Di naman ako mahilig sa sports pero sa sports feast may iba't ibang booths na maeenjoy.

Nandito ako ngayon sa classroom namin. Pinag-uusapan kasi namin ng teacher sa MAPEH yung gagawin namin sa Feast.

One month na rin ang lumipas simula ng lumipat sa skwelahan ko ang dalawang yun.
Sinubukan ako noong e-aproach ni Windel pero sumabog nalang ako bigla.

flashback
Kakatapos lang ng first period kaya naghihintay kami ngayon sa second period teacher naming si Mrs. Villarta. MAPEH ang hinahandle nya. Para di ako ma bore, nagdoddle nalang ako ng mga kung ano-ano nang bigla syang nagsalita. Si Windel.

"Ah Fire, pwede ba tayong mag-usap?"

Nagulat ako. Hindi ako handa sa mga ganito. Hindi pa ako handa na kausapin sya. Naalala ko lang lahat ng mga ginawa nya sakin.

"Busy-"
sasagot na sana ako pero biglang dumating ang guro namin. Kaya nanahimik nalang ako. Sinubukan kong makinig sa diskusyon pero kahit anong gawin ko, lumulutang parin ang isip ko.

"Okay class, Today's topic is all about Drama and Play but before we proceed, Who can give me an intense drama scene?"

Wala na kong paki-alam kong anong sinasabi ng guro namin basta ang gusto ko ay ang makalayo rito kasi any moment from now, tutulo na ang aking luha.

"Ma-"
magpapa-alam sana akong aalis ng biglang unahan nya ako.

"Mahal parin kita hanggang ngayon, Sap-sap"
seryoso ngunit malungkot nyang sabi. Sap-sap ang tawag nya sa akin noon. Samantalang Win-win ang tawag ko sa kanya. Ang mga tawagan naming yun na saksi sa aming nag-aalab na pag-iibigan subalit parang usok na nawala nalang bigla.

"Anyone?"

Sa pagkarinig ko ng pag-amin nya, nagpanting ang mga tainga ko. Sumikip ang dibdib ko. Nanunubig ang mga luha sa mga mata ko. May bumara sa lalamunan ko at parang may kung anong gustong sumabog sakin. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Tumayo ako. Hinarap ko sya at malakas na sinampal. Matagal ko nang gustong gawin yan sa kanya. Wala akong pakialam kung nanonood samin ngayon ang buong klase.

"Mahal?! Punyetang pagmamahal yan Win-win! Matapos lahat ng ginawa mo sakin; matapos mong lokohin ako ng harapharapan, sasabihin mong mahal mo pa ko? Anong klaseng pagmamahal yan?"
wala na. Sumabog na talaga ako kasabay ng pag-agos ng traydor kong mga luha. Hanggang ngayon, sariwa parin sakin ang nangyari. Lahat ng sakit at kapighatian ay pilit na inuusig ang aking damdamin. Ngayon, isa lang ang sigurado sa aking nararamdaman. Yun ay ang Galit.

"Masakit Win-win. Masakit. Pero alam mo kung anong mas masakit? Pinatawad kitang hayop ka!Gago ka! Walangya ka!"
pinagpapalo ko siya habang umiiyak. Pero yun lang sya nakatungo.

"Pinahiya ko yung sarili ko. Lumuhod ako sayo; sa maraming tao. Nagmakaawa ako na sana balikan mo ko, na sana kalimutan nalang natin ang lahat. Pero hindi ko makaklimutan ang sagot mo non Win. Hinding hindi."
naalala ko na naman ang pangyayaring iyon.

"Sinabi mo sakin at sa maraming tao na isa lang akong parte ng koleksyon mo. Na pinaglaruan mo lang ako. Isa lang akong libangan at pampalipas oras mo. Tapos ngayon sasabihin mo na mahal mo parin ako? Ano paglalaruan mo na naman ang damdamin ko? Kasi ano, wala ka nang mahanap na ibang mapaglaruan?"

"Sap-"
pinutol ko na ang sasabihin sana niya.

"Tama na Win-win. Tama na. I already had enough. Ayoko na! Ayoko nang magpaloko sa mga kagaya mo."
talagang di na ko magpapaloko sa mga katulad nya.

"Humanda ka na Windel Air Aguila dahil ngayon, iba na ako. Hindi na ako si Sap-sap na palagi mong nauuto. Lumipat ka dito sa Carcier, pwes ikaw na mismo ang naghanda sa sarili mong bitag. Lintik lang ang walang ganti! Ngayon matitikman mo ang batas ng isang niloko!"

biglang pumalakpak Mrs. Villarta. Sumama narin ang mga kaklase ko. Nung una paisaisa lang hanggang sa naging round of applause at may kasama pang standing ovation.

"Wow, that's what you call a scene. Bravo Ms. de Lutuan. Bravo"

"I am so jubilant on your ferocious performance. So with that, I am excempting you both on our exam after this"
ano daw? Jubilat? Saan naman kaya nya nahukay ang salitang yun? Ah bahala na, ang importante ay napalabas ko ang matagal ko nang kinikimkim na galit at may bonus pang excemption sa test. Siguro blessing in disguise ito kaya naman pinunasan ko nalang ang basa kong mga mata at nagpasalamat sa guro namin.

end of flashback

Ang totoo nyan wala naman talaga akong balak gumanti pero yun lang ang naisip kong paraan para layuan na nya ako. Tsaka pagkasabi ko sa saloobin ko parang gumaan ang pakiramdam ko. Meron kasing nangyari pagkatapos non kay ngayon wala na kong galit sa kanya. Siguro nga ay napatawad ko na siya.

"So dahil nga sports feast, recqiured ang lahat ng section na mag-isip ng booth maliban sa mga 7th graders. Now, bilang grade 9 section Gold, anong booth ang gusto nyo?"

may mga classmates ako na nagtaas ng kamay at nagsuggest.

"Horror Booth"

"Movie Booth"

"Maids Cafe"

"Motel Booth"

Ano daw? Ang chachaka naman ng mga suggestions nila. Haaaay bahala sila wala kumpake. (>_

*Ting! Ting! Ting! Ting!*

Yeheet! Save by the bell. Sa totoo lang wala talaga akong gana sa topic ngayon, mabuti nalang at recess na. 'Kain time na!' sigaw ng mga bolate ko sa tyan. de joke lang kakaporga ko lang nong grade 1 no.

Lalabas na sana ako ng room ng may maramdaman akong kamay na pumigil sakin.

"Sabay na tayo"
bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at kinaladkad ako palabas. Bakit ganoon, siryoso ang pagkasabi nya non pero para sakin parang napakasweet ng pagkasabi nya? Nababaliw na ba ko? Tsaka bakit ganito nanaman ang puso ko, ang bilis tumibok? Teka, ito na kaya 'yon?


My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon