^~Cring! cring! cring! cring! cring!~^
"Fire, gumising ka na. alas sais na malelate kana sa klase"
sigaw sakin ni mama mula sa labas ng kwarto. Pinatay ko yung bwesit na alarm clock at nagsabing"Five minuets pa ma!"
at agad kong tinalukbong ang kumot sa aking mukha."Ah ayaw mong gumising ha? Ayaw gumising ng señorita? Pwes matitikman mo ang lupit ni Claudia de Lutuan mwahahahaha"
bago ko pa sya napigilan eh nagawa na nya ang bagay na pinakaayaw ko sa lahat at mismong nagpapagising sa akin. Nilagay lang naman nya sa mukha ko ang gamit ko nang panty. Tinapat nya yung may pwetan sa ilong ko. Agad akong tumayo at tinapon ang panty sa kawalan."Ma! Ang baho! Hindi nyo naman kailangang gawin yun eh. Babangon naman ako. Umagang umaga binibweset nyo ko!"
pagmamaktol ko sa kanya pero siya hayun ang lapad ng ngisi. Nang-iinis. Ganyan yan si mama Claud. Kung ano-ano nalang naiisip sa buhay. Minsan nga iniisip ko kung nanay ko ba talaga to."Oh at least effective. Sige na maligo kana pagkatapos bumaba kana upang kumain. Intiendes?!"
"Se Señyora"
kinuha ko yung pamaypay ko sa study table at binuklat ito tsaka pinaypay na parang donya. At sabay kaming tumawa ni nanay. Minsan sinasakyan ko yung mga trip ni nanay kasi alam ko na sa kabila ng mga pagbibirong iyon nakatago ang isang malungkot na Claudia. Kalungkutang dahil sa walang kwenta kong ama.Bata palang ako nang iniwan kami ni tatay. Halos di ko na nga maalala ang pangyayaring yun dahil sa katagalan pero di ko naman nakalimutan ang kanyang mukha kasi madaming naitagong litrato si nanay. Ako? Matagal na kong sumuko sa kanya pero si nanay patuloy paring umaasang babalikan nya kami balang araw.
----------
Andito ako ngayon sa may paradahan ng jeep. Sa loob mismo ng jeep naghihintay kung kailan ito aalis dahil malelate na talaga ako. Nubeyen -.-
Mabuti naman at makalipas ang 100 years lumarga na sya. hahahaha (1 minuet lang talaga).Pagdating namin sa may kanto ng Jose Rizal St., huminto yung jeep kasi may sumakay. Schoxs (°ο°) ang GWAPO! Habang pumapasok sya Sheyt! He stamp on my feet. Hindi man lang nagsorry. Walang modo talaga. Pero gwapo tlaga.
"Paki-abot po. Isa. Carcier Academy."
Iniabot ko kay Mr. Gwapong Walang Modo ang pamasahe ko kasi sya yung mas malapit sa kondoktor pero yung loko aba't tiningnan lang ako. Walangya talaga.Ngayon turn off na ko sa kanya. Mabuti nalang may isang lalaking payat, maraming pimples, naka glasses at ang baduy ng hitsura ang tumanggap ng pamasahe ko at iniabot ito sa kondoktor. In short, nerd sya.Buong byahe hindi ko tiningnan si Mr. Gwapong Walang Modo. Hanggang sa nakarating na ako. Marami-rami ring bumaba galing sa jeep na yun pero hindi ko nalang pinansin kasi late na talaga ako.
Pagdating ko, nagtatawag na pala yung strikta naming guro na si Mrs. Castro.
"Saffire Nicole de Lutuan?"
"Present!"
sagot ko at pumasok na tsaka umupo sa upuan ko."Your late. Again!"
sabi sakin ng atribidang guro ko habang kinukuha ko yung libro ko sa ValEd."Nah, just on time."
sagot ko sa kanya."Whatever."
nagpatuloy na siya sa pagtawag hanggang sa matapos na siya."So class turn your book to page 234. Read it silently and answer the Construtive Response on the following page. I think 30 minuets would be more than enough."
Nag-umpisa na kaming magbasa. Pagkatapos, nagsimula na rin akong sagutin yung tanong. Letchugas! nakakatamad. Habang nagsasagot ako, may biglang dumating sa pinto.
"Good morning Ma'am"
sabi ng isang baritonong boses sa may pintuan. Hindi ko nalang tiningnan kasi busy ako sa pagsagot."So your the transferee student?"
tanong ni Mrs. Castro. So mayroon pala kaming bagong classmate."Please introduce yourself."
untos ni Mrs. Castro."Hi, I'm Windel Air Aguila"
ang tipid naman niya magsalita. Teka...sino ulit? pero pagkatapos nyang sabihin yon biglang nagsigawan ang mga kaklase kong babae. I got killed by my curiosity kaya tumingin na ako. Guess what? Bigla nalang nalalag ang panga ko sa nakita ko.O_O"Anong ginagawa nya rito?"
BINABASA MO ANG
My Story
RandomSabi nila, hindi pa man daw tayo pinapanganak ay may nakalaan nang tao na syang makakasama natin at mamahalin habang buhay. Soulmate daw yun. Pero sa dinami-rami ng tao sa mundo at sa lawak ng lupain nito, mahahanap mo pa kaya ang taong yun? Baka pu...