This is it! Ito ang opening day ng Sports Feast namin. At excited na ako.
Naglalakad ako ngayon dito sa may school grounds at tumitingin sa mga booths.
Grabe ang daming maeenjoy.^o^
May nakita akong isang singsing. Ang ganda. Silver sya na may flame sign sa gitna.
Tinanong ko yung student na incharge. Nica ang nasa nameplate nya.
"Girl, magkano to?"
Akala ko ay sasagutin nya ako ng maayos dahil napaka angelic ng face nya pero mali ako."Bakit, may pambili ka ba?"
Aba't tong bruha to sarap ipakain sa jurassic park."Ah eh nagtatanong lang naman." pigilan mo fire. Pigilan mo. (◣_◢)
"Sus! Nagtanong pa, ala namang pera" (-﹏-)
Umalis nalang ako bago pa mag-abot ang balat sa tinalopan at may maambulansya ng wala sa oras.
Marami pa kong nadaanang booths at dinudumug naman pati yung horror booth ng section namin. Actually, ito yung pinakapinipilahan.
Naglakad pa ko ng may booth na nakaagaw sa aking pansin.
Isang Future telling booth.
Nakapagtataka dahil ito lang ang walang pumipila.
Nang tingnan ko 5pesos lang ang bayad. Mura naman pero bakit walang tumatangkilik?
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na pumasok pero parang may enerhiyang nagtutulak sa akin na pumasok.
Pagkapasok ko, May nakita akong isang maladyosang babae.
Nakaupo siya sa isang round table na minantelan ng pula at sa ibabaw nito ay mga nakahilerang baraha.
"Umupo ka."
sinunod ko ang utos nya at umupo kasalungat nya."Matagal na rin kitang inaantay Saffire"
Nanlamig ako sa aking narinig. Teka papanong...
"Paano nyo nalaman ang pangalan ko?"
Bigla syang ngumiti ng nakakatakot. Parang anytime tatakbo na ako sa takot.
Pero bigla nyang tinuro ang aking ID. Letchugas, yun naman pala. Nabasa lang pala nya yung ID ko. Akala ko iba na. -_-#
"Hahahahahahaha"
ay may saltik teh?( ̄. ̄)"Sorry. Sige pumikit ka"
di alam pero pumikit din ako."Ipatong mo ang iyong kamay sa mesa at pakiramdaman mo ang bawat baraha."
ginawa ko rin ang sinasabi nya."Ngayon, hawakan mo ang barahang para sa iyo. Pakatandaan, ang baraha ang siyang pipili sa iyo at hindi ikaw."
hindi ko alam pero parang may humila sa kamay ko at pinakuha ang isang baraha."Ngayong nakapili kana, buksan ang mga mata at ibigay sakin ang baraha."
iniabot ko naman ito sa kanya. Saglit nya itong tinignan subalit parang nalungkot sya nung makita nya ito.Inilahad nya ang baraha sa mesa at nakita ko ang larawan na nandoon.
Isang librong nakabukas. Sa magkabilang pahina nito ay may tig-iisang mukhang magkaharap at sa gitna ng dalawa ay may babaeng may hawak na ispada.
"Ano po'ng ibig sabihin nito?"
tanong ko sa kanya."Nakakalungkot. Isang tao sa nakaraan ang babalik at gulo ang dulot. Isang tao ang dadating at mabilis na lilisan. Sakit at kapighatian. Itoy kanyang iiwan. Buhay. Buhay mo, kailan may di sa'yo"
Wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi nya pero habang sinasabi nya ito ay para syang nanakot.
Natakot na talaga ko sa kanya kaya unti unti na akong tumayo at nilisan ang booth na iyon.
Paglabas ko ay parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinabol ng magnanakaw.
Siguro hindi naman yun totoo diba.
Tuluyan na sana akong aalis ng may malamig na kamay ang biglang pumigil sa wrist ko.
sa sobrang takot at gulat ko. Sigaw nalang ang tanging nagawa ko.
"Aaaaaaaaaaaa!"
BINABASA MO ANG
My Story
RandomSabi nila, hindi pa man daw tayo pinapanganak ay may nakalaan nang tao na syang makakasama natin at mamahalin habang buhay. Soulmate daw yun. Pero sa dinami-rami ng tao sa mundo at sa lawak ng lupain nito, mahahanap mo pa kaya ang taong yun? Baka pu...