Chapter 9

7 0 0
                                    


"Aaaaaaaaaaaa!"

"Hoy Tumahimik ka!"
Sabi ng isang malalim na boses

Huh? Hindi ba ito yong babae?(~_^)

Nang lingunin ko kung sino, nakita ko si Vance, ang kakilala ko sa kabilang section. →_→

"Akala ko naman kung ano na. Ikaw lang pala. Tsaka bakit ba ang lamig ng kamay mo?"
Tanong ko sa kanya

"Kaiinom ko lang ng iced water nauhaw kasi ako. Halika na hinihintay ka na nila."
Tugon nya

Bago pa man ako makapagtanong kung saan at ano ang ibig nyang sabihin ay hinatak na nya ako papunta sa kung saan.

-----------

Naglalakad ako ngayon sa red carpet papunta sa altar. Suot ko ang isang white above the knee dress.

Nilagyan din nila ako ng light make-up at binun yung buhok ko.

Hanggang ngayon, di ko parin alam kung sino ang may pakana sa pangyayaring ito.

Alam nyo naman siguro kung saan booth ako ngayon diba? Marriage Booth.

Malapit na ko sa may altar at tanaw ko na ang aking makakaisangdibdib

Nakasuit siya at sa kamalas-malasang malas nakaharap siya sa may altar which means likod lang ang nakikita ko.

Pano kung chaka to? O adik? Kidnapper? Frat member? Waaaa! parang gusto ko nang magback-out.T_T

Kung alam nyo lang. Sinubukan kung tumakas pero pinagbantaan nila ako. Kailangan ko raw magbayad ng 50 pesos kung hihindi ako. Eh baon ko na yun sa buong araw kasama ang pamasahe at tanghalian. Kaya wala na akong nagawa. Tsaka sabi naman nung make-up artist na di ko raw pagsisisihan ang disisyon kong ito. Haaaaay Sana nga.

Nang nasa may altar na ako, bigla syang lumingon sa akin ng slowmo at

"Ikaw?! Anak ng tukneneng naman oh! Akala ko kung sino ikaw lang pala yan."

"Ouch!! Ang sakit naman. Ni LANG mo naman ako."v_v

Ay drama teh?→_→

"Hoy Prozen! Wag mo akong paandaran ng ganyan ha. Ano to? ANO TO? Paki-explain.

"Ahem! Ahem!" pagpaparamdam ng pari sa harap namin.

Oh! Si Jandel pala to. In fairness, ang cute nya tingnan sa kanyang robe.(♥o♥)

"Andito tayo ngayon sa araw na ito upang idaos ang pag-iisang dibdib nina Frozen Ice Baguio at Safire Nicoal de Lutuan. " Ay diretcho agad? Wala man lang pasabi? Ganon? Nagmamadali? May lakad?~_~

"Ngayon, kung sino man ang tutol ay magsalita na o manahimik nalang habang buhay"

Sana walang tumutol este sana may tumutol.

"Ice, sabihin mo na ang gusto mong sabihin"

Tumingin ako kay Frozen ng may malaking question mark sa mukha.

"Ah Fire, uhmmm.... sh*t bat ba ko kinakabahan? Sinaulo ko na to eh"

"So plinano mo pala to?"

At binigyan nya lang ako ng isang ngiti.

"Ahhhh! Pano ba ko magsisimula? Uhm Fire, sa maniwala ka man o hindi, pero una palang kitang nakita tumibok na ang puso ko para sa iyo." simula nya

Magcoconfess na naman ba sya?

"Froz-"
pinutol niya ang sasabihin ko

"Alam ko. Natatandaan ko yung huli nating pag-uusap"

flashback

"Fire, alam ko maikli palang ang panahon na magkakilala tayo. Pero sa maikling panahon na iyon, nagugustuhan na kita. Fire kung hindi mo mamasamain, pwede ba akong manligaw sa iyo?"

Nabigla ako sa pag-amin nya. Kaya pala may feeling na ako na may mangyayari sa araw na ito.

Paano ba naman eh sinundo nya ako sa bahay tapos nanood kami ng sine ; nagtimezone kami tapos ito picnic sa tabi ng lake.

Paano yan? Hindi pa ko handang magmahal ulit.

Oo aaminin ko may kunti akong nararamdaman kay Ice pero natatakot ako.

Natatakot ako na baka katulad lang din siya ni Windel. Baka pag nagsawa na siya sakin saka nya ako iiwan.

Ayoko nang masaktan. Ayoko nang maloko. Ayoko nang maiwan.

"Ice, hindi ko alam ang gagawin kasi naguguluhan ako. Ice hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Masyado pa akong nasaktan sa una kong relasyon. Sana maintindihan mo. Masaya naman tayo sa ganito diba? Close naman tayo eh. Sana dun nalang muna."

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata subalit pinilit nya paring ngumiti.

Ewan ko ba pero parang may kunting kirot akong nadarama nung nakita ko syang ganun.

"Sige Ayos lang naiintindihan ko"

Kahit sabihin nyang ayos lang, alam kong hindi kaya naman I found an urge to hug him tight and he hugged back.

"Ano ba yan akala ko sa Timezone lang ako makakarating pati pala sa Friendzone nakaabot din"
Pagbibiro niya at sabay kaming tumawa. I'm sorry Ice pero natatakot akong sumugal.

end of flashback

"pero fire sana bigyan mo ng pagkakataon na makilala natin ang isa't isa. Na makilala mo ako ng lubusan. Alam ko masakit sayo ang nangyari sa past mo pero sana huwag mong saraduhin ang mga bagay bagay na maaaring makakapagpasaya sayo."

Pagkasabi nya non ay bigla syang lumuhod ay may kinuha sa kanyang bulsa.

Isang maliit na box. Binuksan nya ito at tumambad ang singsing na nakita ko kanina.

May hinanap ako sa mga audience at yun nga nakita ko siya. Ang bruhang tindera. Kaya nemen pala. Kasabwat siya. Ang bruha kumakaway pa nung tingnan ko. Bwesit. -_-#

Bumalik lang ang tingin ko kay Ice ng magsalita sya ulit.

"Fire, would you give us a chance to know each other? To know me better?"

Haaay. Ang kulit talaga nya. Sige na nga tutal getting to know each other lang naman eh.

At tinangu-an ko nalang sya at ngumiti.

"Yes, thank you fire!" sabi nya sabay yakap sakin. Nagpalakpakan naman yung mga nanonood samin.

Pagkatapos noon ay ginawa na namin ang seremonya ng pagpapakasal. Pinagbigyan ko nalang kasi ayokong i spoil ang moment.

Nagpicture picture kami pagkatapos. At umalis naman siya dahil mayroon daw siyang aasikasuhin.

Natapos ang araw ko ng may ngiti sa labi.

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon