Chapter 4

9 1 0
                                    

Someone's POV

andito kami ngayon sa likod ng campus kung saan walang katao-tao. Kakatapos lang ng klase namin at uwian na kaya kinaladkad ko siya papunta rito upang kausapin ng masinsinan.

"Bakit mo ba ko sinundan dito?"
tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba talaga nakikita? Mahal kita! Mahal na mahal!"
nagulat ako doon sa sagot nya.

"Pero hindi kita mahal. Hindi tayo pwede sa isa't isa. Hindi mo ba maintindihan yun?"
kailangan ko na syang diritsuhin baka umasa na naman siya.

"Bakit dahil ba ganito ako kaya di mo ko kayang mahalin? Sabihin mo lang babaguhin ko ang sarili ko. Pls. sabihin mo lang gagawin ko."
lumuhod siya habang umiiyak at nagmamaka-awa sa kin. Hibang na talaga siya.

"Wala kang dapat gawin kasi kahit baguhin mo yang sarili mo, hindi parin kita kayang mahalin. Hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko na mahalin ka dahil lang nagbago ka na."
pinilit ko syang tinayo at gawing mahinahon.

"Pero pano yung nangyari sa 'tin. Yung tayo. Pano tayo?"

"Walang tayo! Ginamit lang kita. Ginamit ko lang ang pera mo kaya wag ka nang umasa pa!"
ito lang ang naisip kong paraan para layu-an na nya ko. Mga ilang hakbang na ko malayo sa kanya ng magsalita sya

"Ito ang tatandaan mo. Mamahalin mo rin ako! At malapit nang mangyari yun. Come high or hell I will get you. Mwahahahaha"
malala na ang isang to. Tsk. Tsk. Tsk.

Fire's POV

Nandito ako ngayong sa kwarto ko. Sa may kama nakahiga at tinitingnan ang kisame na may nakadikit na glow in the dark stars. Kakatapos ko lang gawin ang mga homeworks kaya heto ako ngayon nag-iisip. Ang daming nangyari sa araw na to. Nakakastess.

Unahin na natin ang Gag*ng si Windel. Alam nyo ba kung bakit galit na galit ako sa kanya? Well, sya lang naman ang walang hiyang ex-boyfriend ko. Yes, tama kayo ng basa.

Kaya nga ako lumipat sa Carcier Academy para makalimutan siya pero ano to? bakit sya lumipat dito? Naalala ko nanaman yung mga sakit na dinulot nya sa akin.

Dumagdag pa yung Frozen na yun. Alam nyo ba kung sino sya? Sya lang naman si Mr. Gwapo Walang Modo na inapakan ako sa jeep at tiningnan lang ako nung ini-abot ko ang pamasahe ko.

Ang saklap ng araw ko diba? Hindi, buong school year pala kasi katabi ko ang dalawang ipis sa buhay ko.

Tapos yung babae na yun, haisssssst! Nakakaasar!

flashback•
"Yes Boss!"
at agad agad silang nagtakbuhan.

"Ahmmm... paano bato?.....ahhhhh..... Sa-sa-lamat sa pagligtas sakin"
pautal-pautal na sabi sakin ng matabang babae. Mukhang takot rin ata sakin -_-

"Walang anuman"

"Ahm.....Macey nga pala."
nilahad nya yung kamay nya kaya naman tinanggap ko.

"Saffire. Fire nalang"
sagot ko sa kanya.

"Saan ka pala nag-aaral?"
tanong naman niya.

"Carcier Academy"
tipid kong sagot

"Talaga? Ako rin. Kakatransfer ko lang kanina."
What? National Transferee Day ba ngayon? Di man lang ako nainform.

"That's good to hear"
binigyan ko nalang siya ng isang tipid na ngiti

"Alam ko na! Sama ka sakin. Libre kita ng pagkain sa bahay. Baka nagluto si Mommy."
pag-anyaya nya sakin.

"Ah mawalang galang na Macey ha pero wala ka bang alam gawin kundi kumain?"
natahimik siya sa sinabi ko tsaka tumungo

"Don't get me wrong. Hindi naman kita hinuhusgahan pero sana man lang inaalagaan mo rin yang sarili mo. Kaya ka nabubully kasi maski sarili mo di inaalagaan. Kilalanin mo naman sina Diet at Excercise hindi yung puro ka nalang kain."
I don't mean to be rude pero sa tingin ko kailangan ko siyang diritsuhin

"Ang sakit mo naman magsalita. Porket ganito lang ako pwede mo na kong pagsalitaan ng ganyan. Wala karing pinagkaiba sa kanya. Tingnan mo nga yang sarili mo, hindi ka mukhang babae. Kilalanin morin sana si Dress Code"
pagkatapos nyang sabihin yun, nag walk-out na sya. Grabeh mukhang mas mapait pa to sa pinapabili sakin ni nanay na ampalaya. Kagagaling ko lang kasi sa palengke at pauwi na sana.

Tsaka ako hindi mukhang babae? Bakit ano bang mali sa suot ko?

Tsinelas na sandugo, baggy shorts, loose shirt, at round cap. Wala namang mali dito diba? Aissshh! wag ko na nga lang pansinin yon baka hinahanap na ni nanay tong pinapabili nya.

•end of flashback•

Haist Makatulog na nga lang may exam pa ko bukas.

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon