Chapter 6a

5 0 0
                                    

Hila hila nya parin ako papuntang cafeteria habang ako ay tulala. Frozen Ice Baguio, bakit mo ba pinabibilis ang puso ko?

Kung ito na yun, please wag muna. Hindi pa ko handa.

Siguro nagtataka kayo kung bakit sya biglang naging ganito sakin no? Ganito kasi yun.

flashback
"Windel Air Aguila napakawalang hiya mo! Wala kang kwentang tao! Isa kang malaking langaw! Dapat kang pakainin ng t*e!"
buong lakas na sigaw ko mula dito sa rooftop ng lumang building ng CA. Dito ko nilabas yung natitirang galit ko kay Win-win. Simula nung mangyari ang kanina, naisipan ko nang pumunta dito. Maganda kasi dito. Tanaw mo yung buong lugar. Tahimik. Mahangin at higit sa lahat, dito ko nilalabas yung mga hinaing ko sa buhay. Aksedente ko itong nadiskubre nong kalilipat ko galing Christian Academy.

"Haaaay ang ingay naman. Kitang may natutulog na tao eh"
pahikab na sabi ng isang lalake. Hala! baka may multo dito at nabulabog ko. Waaaaa mama tulong! Mas lalo pa tuloy akong naiyak nito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala talaga akong makita.

"Waaaa! Mamang multo, pasensya na po kung nabulahaw ko kayo pero wag nyo naman ho akong takutin ng ganito. Patahimikin nyo na ho yung sarili nyo. Sumama na ho kayo sa liwanag. Parang awa nyo na ho." sana mapilit ko ang multong kasi baka gambalain ako nito at sundan sa pamamahay namin.

tumahimik muna ang paligid bago.....

"bwahahahahahahahahaha"
biglang siyang tumawa. hala demonyo ata to.-_-

"Satanas, is that you? Parang awa mo na oh bumalik ka na sa impyero. Magpa-tan ka don o di kaya'y magtayo ng ihawan. Pls. wa mo na kong guluhin." takot na talaga ko. Hindi na nga ako matigil sa pag-iyak. Iniisip ko na baka plano nya kong isama. Pano na ang pangarap ko? Si nanay at yung malunggay? Waaaaa! Teka, bakit nasama ang malunggay? di bale na nga.

"Bwahahahahahaha"
tumatawa parin sya nang lumabas mula sa kung saan. Papalapit sya sakin. Teka..............Frozen? Patuloy parin sya pagtawa kahit nakalapit na sya sakin.

Dahil sa kahihiyan, tuluyan na talaga akong umiyak.

"Huuuuuu hhuuuuuu huuuuuu"
hagulgul ko habang tinatakpan ko ng mga kamay ang aking mukha tsaka umupo sa sahig. Naramdaman ko naman na tumigil sya sa pagtawa at tumabi kasama ako. Pareho kaming nakasandal sa balcony ng bldg.

Nabigla ako ng isa-isa nyang tanggalin ang mga kamay kong tumatago sa aking mukha. May kinuha syang bagay sa bulsa nya. Isang panyo. Ang nakakagulat eh Hello Kitty ang design. Kalurky. →_→

Pero ang mas nakakagulat ay yung akala ko eh papahirin nya ang aking mga luha gamit ang panyong iyun ngunit nagkamali ako. Bigla nyang itinapon sa kawalan ang panyo.

"Ba-bakit mo ginawa yun?"
nagtatakang tanong ko sa kanya.

He suddenly held my face and using his thumb, he wiped those tears away.

"Minsan kailangan nating gawin ang isang bagay na tayo lang mismo ang kikilos; hindi yung e-aasa natin sa iba. Kase kapag hindi maganda ang kinalabasan non, maghahanap lang tayo ng masisisi. Whereas kung tayo ang ang kikilos, di man maganda ang kinalabasan eh at least alam natin na ginawa natin ang best natin at alam rin natin na may matututunan tayo dun."
ha? eh? Ang lalim nemen. e_e

Habang sinasabi nya yon, nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Grabeh! Mas gwapo pala to sa malapitan.

Simula sa kanyang di masyadong makapal na kilay na talaga nga namang bagay na bagay sa kanya.

Ang kanyang dark expressive eyes na parang may tinatagong something at kung titingnan mo ito ay para kang mahihipnotize.

Ang kanyang dalawang mole na talaga namang nakakadagdag sa kagwapuhan nya. Isa sa kaliwa ng kanyang left eye at ang isa ay sa ilalim ng kanyang right eye.

Ang kanyang ilong na matangos kapag naka-sideview.

Ang kanyang flawless fair skin sa mukha. Ang ganda siguro nito lagyan ng hickey.

Ang kanyang jawline na parang nilinya ng arketekto.

At higit sa lahat, ang kanyang mapupulang labi. Natetempt tuloy akong halikan sya.

"Done gawking on me?"
tanong nya habang ibinabalandra ang mapuputing ngipin na mas pantay pa kaysa sa bakod ni Aling Osing. Ayan na naman kaya nahalata nya ako eh.-.-

"Oh? Ang feeling mo ha. Akala mo naman ang gwapo gwapo mo." sabi ko habang umiwas ng tingin sa kanya.

"Ikaw nagsabi nyan hindi ako."
grrrrrr! bwesit! binubwisit nya talaga ako.

"Narinig ko ang sigaw mo kanina. Ano nga pala ang atraso sayo ni Air?"
pag-iiba nya ng usapan. Oo nga pala. Wala pala sya kanina nung comfrontation scene. Pinatawag nga pala sya ni Madame Principal nung time na yun.

"Ayaw ko munang pag-usapan. Sana maintindihan mo."
ayoko muna talagang mag share ngayon.

"Okay. Pero ito payong kaibigan lang. Huwag mong hayaang tumagal ang galit dyan sa puso mo kasi paghinayaan mo yun, kakainin ka nito ng buong buo. Baka di mo namamalayan na nalulunod kana sa poot at pati mahal mo sa buhay eh nadamay o nasaktan mo ng di inaasahan."
wow pari ba sya? baka naman guidance councilor? pero kahit sino pa man sya, tama at may katuturan lahat ng sinabi nya.

"Saan mo naman nakuha ang mga hugot na pangaral mong yun"

"Sabihin nalang natin na maraming naituro sakin ang buhay."
sabi nya at binigyan nya ako ng totoong ngiti.
Bakit ganun? Bakit parang ang dami na nyang pinagdaanang sa buhay pero ang tatag nya parin?

"Salamat......Salamat sa lahat ng payo mo. Salamat sa pagsama sakin dito kahit di tayo gaano ka close. Salamat rin sa pagpapawi ng mga luha ko."
at sinuklian ko rin sya ng totoong ngiti

"Sus ano kaba? parang yun lang."
pagkasabi nyang yon ay bigla nyang tinakpan ang dalawa kong mga mata mula sa likod ko. Pagkatapos itinayo nya ako at iniharap sa likod.
Pagkatanggal nya sa kanyang kamay ay nagulat ako.

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon