"Uhm excuse me, do I know you?"
nagtatakang sabi ko. Familiar ang kanyang mukha pero di ko talaga maisip kung kilala ko ba sya.Mas lalo naman akong nagtaka ng bigla syang tumawa.
"I'm sorry. I really know that would be your reaction so I tested you and I'm right. hahahaha"
ha? anong pinagsasabi ng babaeng to?Nang makita nya ang naka V kong kilay, tumigil na sya sa pagtawa at nagsalita.
"Look, I'm Macey, can't you remember?"
nakangiti nyang sabi"Macey?......Don't tell me ikaw yung matabang babaeng binubully?"
"Definetly WAS"
nakangiti nyang tugon.at doon na nalaglag ang panga ko.
"Wow! Look at you. You've change a whole lot better."
"Dapat lang. Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko ma-achive ko lang ang bagong ako. Nakatulong din yung sinabi mo kasi napagtanto kong tama ka talaga. Tsaka, meron di akong kailangan harapin ngayong nagbago na ako."
nakangiti at makahulugan nyang sabi."Kung ano man yun, proud na proud parin ako sa iyo. Sa wakas ay binigyan mo narin ng halaga ang sarili mo; at tsaka sorry narin sa rudeness ko nung huli nating pagkikita."
"Okay lang yun kasi I think I also needed that. So pano ba yan mauna na ko. May gagawin pa kasi ako. See you around"
isang ngiti nalang ang sinukli ko at tuluyan na syang umalis.
Grabe ang laki na nang pinagbago nya. Sana maging bestfriends kami kasi feel ko, magkakasundo talaga kami.
"Sino yung kausap mo?"
"Ay Palaka! Letchugas naman oh. Ba't ka ba nanggugulat?"
nakabalik na pala 'tong mokong na to dala yung pagkain ko."Sino nga kasi yun?"
pag-uulit nya habang inaayos ang pag-upo."Kaibigan ko. O teka, saan nang pagkain mo?" nagtatakang sabi ko.
at binigyan niya ako ng isang malokong ngiti. Oh No! Mukhang alam ko na ang mangyayari. Waaaaaaaa WAG PO!
-----------------
"Huhu hu hu Binaboy mo ang pagkatao ko! Walang hiya ka! Hinding hindi kita mapapatawad mag gluta man ang uwak!"
sabi ko sa kanya habang papauwi na kami."Tsk. tigilan mo nga ko sa kakaganyan mo baka ano pang isipin ng mga nakakarinig sayo. Isa pa, nag-enjoy ka naman diba?" sabi nya ng may malokong ngiti.
"Nag-enjoy? Hayop ka! Napakawalangya mo! matapos mong gawin yun sakin! Ang sama mo!"
at pinagpapalo ko sya.Alam nyo ba kung ano ang ginawa nya? Ganito kasi yun.
flashback
"Kaibigan ko. O teka, saan nang pagkain mo?" nagtatakang sabi ko.
At binigyan niya ako ng isang malokong ngiti.
"Say Aaaaaa" sabi nya habang hawak ang tinidor na may spaghetti.
Pero imbes na sa bibig ko ipinasok ang pagkain KO ay bigla nya itong iniliko at kinain
Ang bwesit. Spaghetti ko yun. Pera ko yun. Di man lang tinablan ng kahihiyan. Nakishare sa pagkain ng may pagkain.
At yun nga nagashare kami sa pagkain ko.
"Fire sandali" siryoso nyang saad.
"Huh?" nagtaka ako dahil bigla nalang syang natigilan at unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Halos one inch nalang ang pagitan namin at amoy na amoy ko ang mainit at mabango nyang hininga.
Hindi ko mapigilang tumingin sa kanyang mapupulang labi. Nakakatempt kaya naman kinagat ko nalang ang aking labi.
Nung ginawa ko yun ay parang bumigat ang kanyang hininga o baka imagination ko lang yun
Unti-unti parin siyang lumalapit kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata.
Nang maramdaman ko ang isang telang pumunas sa gilid ng labi ko. Pagmulat ko, pinunasan nya pala yung sauce na naiwan sa gilid ng labi ko. Akala ko iba na eh(¬_¬)
Pagkatapos nyang gawin yon ay binigyan nya ako ng isang malokong ngiti.
"Anong nginingiti mo dyan?" pero patuloy parin siya sa pagngiti kaya naman naghanap ako ng paraan.
Nakita ko sa aking peripheral vision ang natirang isang strand ng spaghetti noodle.
Agad ko itong kinuha at itinapon sa mukha nya.
Nabigla sya at natamaan ang kanyang ilong. Naiwan dito ang spaghetti sauce.
"Ahhh Sh*t!" sabi nya sabay tingin sa akin ^_^V
"SAFIRE NICOAL DE LUTUAN!! Lagot ka sakin!"
Oh no Run For Your Lives!At tumakbo na ko palabas ng canteen patungong drill ground.
Naghahabulan na kami subalit naabutan nya ako.
Mula sa likod ay ikinulong nya ang aking tyan sa kanyang mga bisig at binuhat nya ako in a strange and odd position.
"Ikaw, tinaponan mo ko sa may ilong kaya ito ang ganti ko sayo."
Matapos non ay ninodnod nya ang kanyang ilong sa aking leeg habang nakagapos parin ako sa kanyang bisig mula sa likod.
Nakikiliti ako sa kanyang ginagawa kaya hindi ko maiwasang tumawa.
"Ahehe Frozen hehehe tama hehe na hehe nakiki hehe liti hehe ako hehe!" pilit akong kumakawala sa kanya pero di ko magawa kasi ang lakas nya.
"Hindi kita marinig" at pinagpatuloy nya ang kanyang ginagawa.
"Frozen hehehe please hehehe tama na hehehe hindi ko hehe na kayaaah hehehe" ewan ko ba pero parang malandi ang pagkakasabi ko na agad naman nyang ikinatigil.
Iniharap nya ako kahit nakakulong parin ako sa kanyang bisig.
Tinignan nya ako ng siryoso sa aking mata. Parang anytime matutunaw na ako.
Kung tumingin kasi sya tagos hanggang kaluluwa. Hindi ko alam pero tumitibok na naman ang puso ko ng mabilis.
At unti-unti lumapit ang kanyang mukha sa akin. Sa pangalawang pagkakataon, ipinikit ko ang aking mga mata.
Hindi ito ang gusto ng isip ko. Hindi pa ako handa pero ayaw sumunod ng sistema ko.
Ramdam na ramdam ko na ang kanyang hininga hanggang sa......
*Ting! Ting! Ting!*
end of flashback
Pagkatapos non ay bumalik na kami sa room namin.
Hindi ko mawari pero parang iba ang tingin ng mga studyanteng nakakasalubong namin pati classmates ko kaya nagtanong na ko sa isa kong classmate.
Bigla nyang tinuro yung leeg nya.
Kinuha ko yung mini mirror sa bag ko at itinapat sa leeg ko.Nakita ko don ang tumuyong pulang mantsa na kagagawan ni Frozen.Aishhh! Tiningnan ko sya at ayun ang loko tawa ng tawa (⌒o⌒)
Kaya ayun sinusumbatan ko sya ngayon sa kagagawan nya.
( ~ へ ~ )Nagsorry naman ang loko kaya pinatawad ko na. Ang kulit eh. Haaay Frozen bakit ba hindi kita matitiis?
BINABASA MO ANG
My Story
RandomSabi nila, hindi pa man daw tayo pinapanganak ay may nakalaan nang tao na syang makakasama natin at mamahalin habang buhay. Soulmate daw yun. Pero sa dinami-rami ng tao sa mundo at sa lawak ng lupain nito, mahahanap mo pa kaya ang taong yun? Baka pu...