UNTITLED III

4 1 0
                                    

sana kapag handa ka na,
ay handa pa rin ako.

sana sa oras na mahanap mo na
ang sarili mo sa dilim,

nawa’y naghihintay pa din
ako sa liwanag mo.

sana sa oras na makita mo
ang halaga ko.

nararamdaman ko pa din
ang pagibig mo.

sana sa oras na hanapin mo ako
ay makikita mo pa din ako.

sana kapag naubos ka
at kailanganin mo ako.

nawa’y handa pa din ako
na buuin at punuin ang puso mo.

sana,

sana mahanap mo ang daan
pabalik sa lokasyon ko.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now