TADHANA

4 1 0
                                    

sabi nila ikaw mismo ang lilikha ng sarili mong tadhana, ikaw mismo ang tutupok sa apoy na ikaw mismo ang may likha, at ikaw din mismo ang magdidikta ng mga bagay na sa iyo’y tunay na magpapasaya.

pero paano kung ang bawat apoy ay natupok na lang basta? ang tadhana ay tila may sariling buhay na isinasagawa at ang mga bagay na nagpapasaya ay pinipigilan ng iba? matatawag pa ba itong paglaya? paano ang bukas na inaasam kung tila ang tadhana ay may sariling papel at pluma na nakahanda, para isulat ang dapat saiyo’y nakatadhana.

sa totoo lang, minsan kong kwinestyon ang tadhana sa pagbibigay niya ng mga bagay na hindi naman dapat naisusulat sa pahina. tila ba isa itong lubid na unti-unting sumasakal sa sarili at ginagapos ang aking mga bisig para hindi ko maisiwilat ang tadhanang nais kong makamit, ngunit sa paglipas ng panahon, nagising ako sa katotohanang hindi ito ang pahirap ng panahon, nais lamang nitong matutunan ko ang tama at mali sa bawat espasyo ng mundo. hindi para saktan ako at kawawain ng mundo.

totoo, ikaw mismo ang gagawa ng tadhana mo, pero may pagkakataong kukuha siya ng sarili niyang papel at pluma para bumuo ng kwentong hindi ang nakatakda saiyo, dahil sa gusto niyang makita mo na mayroon pang mas magandang tadhana ang nakatakda saiyo, na matuto kang alamin at bigyang halaga ang ibabahagi nitong alaala saiyo.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now