"kung makakausap ko lamang ang batang ako."

4 1 0
                                    

“kung makakausap ko lamang ang batang ako.”

hindi ba sumasagip sa isip ng karamihan, ano kayang mga maaaring posibilidad kapag nakausap mo ang batang ikaw, handa ka ba sa mga posibleng itanong niya o handa ka ba sa mga posibleng maging sagot niya sa mga ibabato mong katanungan. handa ka bang muling balikan ang panahon kung saan kakulitan at kapilyuhan ang umiiral, handa ka bang muling bumalik sa nakaraan kung saan ang bawat sulok ng tahanan ay iyong nang napaglarun. hindi katulad ngayon na mas pinipili mong itago sa apat na sulok ng iyong silid-tulugan.

siguro kung makakausap ko ang batang ako, handa akong muling buksan ang pahina ng kwento kung saan siya pa ang naglalathala nito at tanungin siya ng mga bagay na sa tingin ko ay siya lamang mismo ang makakapagbigay ng sagot. katulad ng—

bakit mo pinipiling lumaban
sa mundong unti-unti ka ng sinusukuan?

bakit hindi mo nalang bitawan
ang buhay na para bang ayaw na sa katotohanan?

ilan lamang iyan sa mga katanungang nais mabigyan ng kasagutan. pero sa tingin ko kung makakausap ko din ang batang ako nais kong sambitin ang isang salita, salitang hindi man kasinghalaga ng ibang kataga. alam kong ito ay kaniyang ikatutuwa.

“salamat.”

salamat sa paglaban at pananatili at pagtutuloy ng kwento. kwentong hindi man kasingtingkad ng katulad sa iba ay isiniwalat mo pa rin ito. kaya tignan mo, heto ako! nananatiling nakatayo at itinutuloy ang nga katagang naiwan mo. nandito ako ipinagpapatuloy ang buhay na pilit mong binubuo, bawat piraso ng nasirang pahina ay pilit mong binubuo, kaya hanggang ngayon nandito ako.

salamat sa batang ako, dahil kahit nakikita at nararamdaman niya na ang kalupitan ng mundo. nanatili pa din siyang umuusad at kumikilos, hindi naging hadlang ang pasa, galos at sakit na dulot ng mga tao sa kaniyang nakaraan para siya’y tuluyang huminto. bagkus ito ang ginawa niyang inspirasyon para unti-unting bumangon at tumayo.

kaya kung may sasaluduhan man ako pagdating ng panahon, iyon ay ang batang ako. dahil minsan man siyang pinadapa at sinira ng panahon, hindi siya sumuko at napagod labanan ang mundo.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now