liham ng pagasa.

1 0 0
                                    

“Liham ng pagasa.”

                                     Pebrero 2, 2023
                             Amsterdam, Netherlands.

Liham ng pagasa,

        sa oras na pakiramdam mo ang pagdaloy ng buhay at tila ba humihinto na saiyo, sa oras na pakiramdam mo tila ang bawat isda sa karagatan at tila nauubos at nawawala, kapag para saiyong mga mata ang dagat na asul ay nagiging pula, kung ang bawat bahaghari ay nawawalan ng buhay at sigla.

saan ka kukuha ng pag-asa?
saan ka hihingi ng tulong para makapagsimula?
saan ka magsisimula?

sa oras na maramdaman mo ang lahat ng iyan nawa’y maging tulay ito sa muli mong pagbubukas ng sarili sa iba. nawa’y ito ang maging daan para mahanap mo ang tamang landas, nawa’y itong liham ang magpagising sa natutulog mong diwa—na hindi ka nagiisa.

siguro mahirap at nakakasuko, pero huwag matakot maniwala at sumubok dahil may mga rason ang bawat paglabas ng likido diyan sa nag-gagandahang mata mo. ayos lang mabigo, may pagkakataong tataliwas ang mundo sa ninanais nating kwento, pero may hangganan ito.

ito’y liham ng panghihikayat na ang palad ng pagasa ay nakadako kung saan ka nadapa. kaya sana ay huwag kang mawalan ng tiwala, maaaring ngayon ay nasasaktan at nahihirapan ka, pero maniwala ka may katumbas ito na magandang aral na maaari mong ibahagi sa iba.

                                         Nagmamahal,
                                                Linya.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now