UNTITLED IV

3 1 0
                                    

nakakatakot sumaya, tila ba isa itong nakatutuwang palabas na pangingitiin ka lang pansamantala at ito’y magwawakas na. nakakatakot sumaya, lakas kasing bumawi ng pagkadismaya, sakit at luha. nakakatakot sumaya, parang alam mo na kasi ang kasunod nitong kabanata.

“nakakatakot sumaya—baka kasi mamaya hindi mo na siya maranasan bigla.”

sa totoo lang, isa lang naman ang kahilingan. iyong sumaya ng walang agam-agam, iyong hindi ko pagiisipan ang kinabukasan. iyong hindi ko kailangan magalala kung luluha ba ako mamaya at siyempre iyong totoo na.

tagal tinago ang sarili sa mga tawa at ngiti. hindi pinakita ang sakit at dalamhati dahil natatakot mahusgahan ng nakararami, natatakot masabihan ng masasakit na salita at siyempre hindi pa lubos na mahal ang sarili.

hanggang kailan magtatago sa ngiti?
nakakamtan pa ba ang kinabukasang minimithi?

sana, sa susunod kong pagtawa—totoo na.
para maranasan ko naman kung paano talaga ang sumaya.

sana sa susunod kong pagtawa—hindi ko na maiisip kung may kapalit pa ba itong pagluha.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now