"PILIPINAS"

3 1 0
                                    

“pilipinas.”

kapita-pitagang
bansang sinilangan
karapatdapat ka bang
bigyan ng karangalan

bansang pilipinas
kailan ka aalpas

kailan ang musika mo’y
muling mapapakinggan.

bansang sinilangan
kailan ang paggaling na inaasam.

sana ay kayang itago ng kayamanang ating pinakaiingatan ang sakit na dala ng ating lipunan, nawa’y kayang bigyan ng isang magandang karanasan ang bawat kabataan kapag namulat na sila sa tunay na nangyayari sa lipunan. sana handa sila sa mga bagay na hindi nila inaakalang, mangyayari pala. nawa’y bukas ang kanilang isipan sa mga bagay ma hindi nila inaakalang kanilang mararanasan.

pagbabago bang matatawag, kung ang bawat isa’y naduduwag. naduduwag ipakita ang tunay na nangyayari sa bansa. pagbabago bang matuturing ang tinatawag niyong henerasyon kung saan teknolohiya na ang nagpapagalaw sa mundo.

kung ang pagbabago ang magiging sanhi ng luha at pighati, nanaisin mo pa bang ngumiti, kung ang pagbabago ang nagtatanggal ng saya sa labi, nananaisin mo pa ba itong makamit.

buksan ang mata, gisingin ang mga natutulog na diwa. hindi ko sinasabing gamutin natin ang sakit ng bansa, pero may magagawa ka para bawasan ang karamdaman niya. maging bukas ka, sa bawat talata ng storya na iuukit mo sa oras na bigyan mong halaga ang ating bansa.

ikaw! oo ikaw, huwag kang tumunganga, tignan mo ang ating bansa. kinakailangan ka niya. magtulungan tayong umalpas, at bigyan muli ito ng natatanging bukas.

hindi pa huli ang lahat
halika! sumama ka.

:: khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now