ORASAN

4 1 0
                                    

sabi nila matinding kalaban
ang orasan.

bawat pag-galaw nito,
kapalit ay ang panahon

ng pananatili mo
sa mundo.

maaaring bukas,
nandito ka pa.

sa susunod ay,
wala na.

hindi natin alam ang naghihintay na kinabukasan sa bawat isa. tila ba isa itong surpresa, na sa oras na igawad ng tadhana ay wala ka ni isang babala.

sa bawat pagsulyap ng araw sa langit ay ang simbolo ng nababawasan ang takbo ng orasan para sa iyo. ngunit sana huwag mong isipin ang katapusan ng iyong kuwento, bagkus gawin mong isang magandang alaala sa iyong memorya lahat ng mga bagay na sa iyo’y nagdadala ng saya sa mga puntong patuloy pa din ang pagikot ng orasan.

hindi isa itong pananakot o ano pa man. isa itong munting paalala, na sa mundong ginagalawan napakaraming surpresa ang dala ng maykapal, hindi natin alam ang susunod na mangyayari kinabukasan. isang beses lang ang buhay. kaya gawin natin ang lahat para sumaya, huwag sayangin ang pagikot ng kamay ng orasan.

sa bawat araw na
dumadaan,

gawin mong mahalaga,
ang bawat araw mo.

kahit pa tila
pagod kana,

lumaban ka lang
at magpatuloy sa karera.

dahil sa karerang ito,
orasan ang kalaban mo.

na tinutukoy nilang
matinding kalaban.

hindi lang ikaw,
kundi ng karamihan.

kaya huwag kang
panghinaan.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now