.

2 1 0
                                    

“kung pakiramdam mo, sinisira ka ng mundo—lapitan mo lang ako, handa akong ayusin lahat ng sinira nito saiyo.”

huwag kang matakot, huwag kang mabahala. may kasama ka sa karerang tinatahak mo sinta. hindi ka man sigurado sa kung anong katapusan ng karera, magpatuloy ka. kung sa tingin mo ang mundo ay pinipiraso ka na, kung sa palagay mo sinisira ka na ng mundo. halika, handa akong ayusin lahat ng sinira nito. para iparamdam sa iyo na mayroon kang ako, na handang umalalay at gumabay saiyo sa bawat landas na tatahakin mo.

humawak ka sa kamay ko, hindi ko bibitawan ang mga braso mo. handang umalalay saiyo, maging paa mo sa oras na pakiramdam mo’y hindi mo na kayang tumayo, maging mata mo sa oras na hindi mo na masilayan ang ganda ng mundo at ang magiging kamay mo sa oras na pakiramdam mo parang bumibitaw ka na sa pagkapit sa mundo.

handa akong maging piraso ng buhay mo at buuin ang bawat pyesang iyong binubuo. sa oras na pakiramdam mo tinatalikuran ka ng mundo, nandito ako ihaharap ko saiyo ang magagandang bahagi ng buhay mo para malaman mong hindi ito tumatalikod saiyo, nakakalimutan mo lang ang magagandang bahagi ng iyong kwento kay sasamahan kitang hanapin ito.

huwag kang matakot, kasama mo ako. hindi ako mawawala sa tabi mo, mananatili akong tagasubaybay sa tatahakin mong landas, magiging tala sa madilim mong tatahakin. ngunit may natatangi lang hiling—na sana sa oras na maramdaman mo na ang iyong nanaisin, pakatandaan mo na nagkaroon ka ng minsang ako, na naging parte ng bawat pagkakasira mo. kahit ’yon na lang ang maging papel ko sa buhay mo, mapapanatag na ako.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now