siya - a short prose inspired by the song "siya." by arthur miguel.

3 1 0
                                    

siya — a short prose inspired by the song “siya.” by arthur miguel.

“at sa oras ng iyong hinagpis, ako’y nandito para ikaw ay patahanin.”

asahan mong sa oras na dumausdos ang luha sa mga mata mo ay nakaabang ang aking panyo na handang sumalo at maging pamunas nito, mananatili ang balikat ko upang maging unan mo sa oras na pakiramdam mo ay pagod na ang nadarama mo, asahan mong mananatili ako palagi sa tabi mo.

“bakit ba gan’to? ako ang nasa tabi mo, pero siya ang nasa isip at tibok ng puso mo.”

ang problema nga lang ay hindi ako ang hinahanap ng puso mo, hindi ako ang taong hinahangad mo dahil may nakakuha ng atensyon mo, ang sakit isipin na sa oras ng paghihirap mo, ako ang naririto pero siya pa rin ang ninanais mo kahit pa puro sakit at sugat na lamang ang iniiwan niya sa’yo.

“okay lang ako, maghihintay pa rin saiyo, nagbabakasaling meron pang puwang diyan sa puso mo.”

pero sa kabila ng iyan huwag kang magalala dahil mananatili pa din ako, hihintayin ko ang oras at panahon na ang halaga ko ay masilayan mo. aasang sa muli kong paggising sa umaga ay ako na ang kaharap mo, katangahan mang matatawag ito pero gusto kong maging parte ng buhay mo, hindi man ako sigurado sa direksyong tatahakin ko. basta ikaw ang sinusundan ko, magiging maayos ako.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now