"ikaw ang simbolo ng pagibig."

3 1 0
                                    

“ikaw ang simbolo ng pagibig.”

ikaw ang aking paraluman, sinta
ikaw ang natatanging talata
sa akdang tayo ang may likha.
tanikalang nasilayan nang dumating ka

lahat ng iniindang problema,
ay tila nawawala, sa oras na bumalik ka.
ikaw ang musikang kay sarap sa tenga
tila ang tala at araw ay nahahalina.

pangakong mamahalin ka ng wagas,
kahit sa oras na dumating ang taglagas
tila ikaw ay isang natatanging kwintas
na yumayakap habang ang mga dahon sa paligid ay pumapagaspas.

tila isa akong batubalani, na palagi saiyo’y kumokonekta.
dahil sa taglay mong sanghaya, nagiging rason ng iyong dilara.
sa pagsapit ng takipsilim,
asahan mong ika’y patuloy na lilingapin.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now