"tinig na hindi naririnig."

4 1 0
                                    

“tinig na hindi naririnig.”

sa mundong ginagalawan, umiiral ang maduming pamahalaan. huwag tayong magmaang-maangan, huwag tayong magbingibingihan madaming mga taong sumisigaw ng katarungan ngunit tila hindi napapakinggan. maraming beses ng isinawalang bahala ang nangyayari sa bansa, ngunit hindi matinag ang mga halang na sikmura. kumakapit sa matulis na sandata para kumita ng pera, hindi iiral ang konsensiya dahil ang mahalaga ay ang makuha ang kanilang tinatamasa.

                          ilang taon na ang dumaan.
                          ilang sigaw na ang ating napakinggan
                          ngunit tila tayo ay nagbibingibingihan

mga tinig ng sambayanan, sumisigaw ng katarungan. ngunit hindi napapakinggan dahil hindi sapat ang perang kanilang nahahawakan. sa panahong salapi’t kayamanan ang mas mahalaga, hindi na iisipin ang mga nagdurusang dukha na tila tinanggalan ng boses para isigaw sa madla ang katarungang inaasam nila.

                        kung ang paghatol sa bansa ay mananatiling tatsulok
                       ilang tao pa ba ang kailangan sumiksik sa sulok
                       ilang apoy pa ba ang dapat sumilab para makita ang usok.

kailangan natin sila pakinggan, wala man silang sapat na kayamanan. kailangan nila ng kaunlaran at kalayaan, na matatamasa lang nila sa oras na sila ay tuluyan ng napakinggan, marami ng tinig ang isiniwalang bahala, madami ng sisiw na nakawala, timbangang may daya at piring na kailangan maalis sa ating mga mata. buksan ang mga natutulog na diwa, bumuo tayo ng natatanging kanta, na magpapakitang handa na tayong dinggin ang mga tinig nila.

:: @khrykhry || khrylineginiósis.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now