soneto ng pagibig na umaalpas.

0 0 0
                                    

“soneto ng pagibig na umaalpas”

bawat talatang nakatakda
sinusulat natin nang matingkad
sabay nating inaawit nang banayad—
bawat tunog sa musika.
sa dalampasigang napakaganda
sabay tayong maglakad
kahit pa sa init ng araw tayo nakababad
tandaan mong, sa gabi ay may mga tala.

mga kwento ng kahapon
baunin natin hanggang sa kinabukasan
maging bukas tayo sa noon
para masaksihan ang kasalukuyan
dahil siguradong darating ang bukas
kapag tayo sa kahapon ay tuluyang nakaalpas.

MY PROSE AND POEMS COMPILATION.Where stories live. Discover now