TWENTY-TWO

2.5K 46 2
                                    

- Amor -

"Are you going back to the Philippines?" tanong ni Duke, narito kami sa gym room sinamahan ko siya dahil gusto raw niya akong kasama.

"Yes," pasigaw kong sagot dahil sinusuntok niya ang punching bag.

Hinawakan niya ito upang huminto saka humarap sa akin.

"Can you stay here? I'm gonna miss you," lumabi pa ito na tila nagpapacute.

Natawa naman ako "I lived in the Philippines, Duke. My parents were there," sagot ko.

"They will understand you if you say that you have a boyfriend here,"  saad nito tinanggal niya ang nakabalot sa kanyang kamay saka lumapit sa akin.

Umupo siya sa aking harap saka hinawakan ang aking kamay.

"I like you, you know that," sensero niyang saad.

Hindi na ako naka sagot dahil alam ko naman na iyon. Ilang beses na rin naman na niyang sinabi na gusto niya ako. Pero hindi ko alam kung handa na ba ang puso ko sa ganitong relasyon.

Pinaliwanag nila sa akin ni Derick kung ano ang relasyon na papasukin ko pero kakayanin ko ba?

"I understand," he took a deep breath.

"You didn't grow up in this system so I know you won't like it. But I promise that we will give you everything you want. Love, care anything Amor," He sounds confident of what he's saying.

"I don't know what to say or answer, Duke, the situation is new to me," wika ko.

"That's why we explain it to you,"

"Can I think about it first?" hinaplos ko ang kanyang pisnge his honey eyes giving me a gloomy look.

Tumango naman siya saka pinisil ang tungki ng aking ilong.

"Ok as you wish. But I will not accept your no answer, Honey," matamis siyang ngumiti saka kumindat sa akin.

Kinuha ko na lang ang towel saka iyon ipinamunas sa kanyang mukha at leeg na puro pawis.

Marami pa kaming napag-usapan ni Duke at pakiramdam ko mauubos na rin ang dugo sa kaka English.

Tinuroan ko siya ng ilang words ng tagalog at para akong nagtuturo sa bata. Halos mamalipit na rin kasi ang dila niya kaya tawa ako ng tawa.

Pumunta kami sa kusina at pinagluto ko siya ng buttered shrimp at gumawa rin ako ng calamaris na nagustohan naman niya.

"Taste good," sabi niya na punong puno ng kanin ang bunganga.

"Wow," manghang bungad naman ni Derick ng makita ang nakahanda sa lamesa.

"Dude, your here," humarap si Duke sa kambal "Come here I have something to tell you," pagtawag pa nito.

Nakangiti pa itong lumapit sa kakambal at hindi na nakapag pigil dahil kumurot na sa calamaris.

"My Honey taught me tagalog word," magpagmamalaki sa tono ni Duke.

"She said that it suits you," dagdag pa nito.

Napahinto ako sa pagkanaw ng aking gatas. Saka dahan-dahang humarap sa dalawa.

"Hehehe. Ano kasi, ahm," saad ko.

Napataas ang kilay ni Derick sa akin.

"What it is?" baling niya sa kapatid.

"Futangnamo, muha kang tyungo," seryuso pang sabi ni Duke saka bumalik na sa pagkaen niya.

"What?" gulat na saad nito.

"I said you're so handsome. Tyongo right, Honey," ulit pa ni Duke saka ngumiti sa akin.

Napangiwi ako ng makita ang pagkunot ng nuo ni Derick.

Oh! Lupa...... Kaenin mo na ako, now na...

"Is that what you taught to him?" medyo kinabahan ako sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Why are you mad? She taught me well and she cook for us,"

"Pampalubag loob, Darling?" ngisi ni Derick sa akin.

Nagpeace sign ako saka ngiting pilit.

"Ok come here," ikinumpas niya ang kamay na lumapit ako sa kanya.

Nag-aalangan ako sa paraan kasi ng pagtingin niya parang mangangain na ng tao.

Isang dipa pa ang layo ko sa kanya pero siya na ang kusang lumapit saka ako niyakap "I miss you, Darling," he murmured.

Hindi ako nakasagot at niyakap na lang din siya.
Mamimiss ko rin naman kasi silang dalawa.
Simula ng tumira ako rito wala silang ginawa kun 'di ang pasayahin at pakiligin ako.

"I will miss you too, Derick," lumayo ako sa kanya.

"Thank you for caring about me," ngumiti ako sa kanya "And to you Duke," baling ko naman sa lalaking nilalantakan pa rin ang pagkaen na niluto ko "I will miss you both,"

"Can you accept our offer?" Derick ask.

Huminga ako ng malalim "Pasensya na," nakita ko ang paglungkot sa kanyang mukha.

"Hindi ko pa masasagot sa ngayon. Hindi ko pa alam ang isasagot ko," tinagalog ko na lang dahil alam kung magpupumilit na naman si Duke.

"Promise me that if you're going back to the Philippines you will not be in a relationship with someone else,"

Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Naranasan ko namang ligawan pero kahit hindi ko naman sila bustedin eh kusa na silang lumalayo na para bang may sakit akong nakakahawa.

"Alam ba ni Dastian ito?" tanong ko.

"We will talk to her," pero parang gulat siya na tumingin sa akin.

"Is that a yes, Darling?" excited niyang saad.

Hindi ko na rin maintindihan. Gusto kung umuoo pero bakit gano'n pakiramdam ko'y may pinagtataksilan ako kahit wala namang akong kasintahan. Pero bahala na kaya ngumiti ako kay Derick.

"Duke, she said yes," parang nanalo sa lotong sigaw ni Derick.

Dalawang linggo pa lang nang namalagi ako rito at ang bilis ng pangyayari.
Mabait naman sila at maalaga halos araw-araw akong pinapakilig ng dalawa hindi lang sa kanilang salita kun 'di pati na rin sa kanilang ginagawa.

Mabilis na lumapit sa amin si Duke at binuhat ako "Is that true?" tila mangha niyang tanong.

Tuwang-tuwa ako sa nakikitang reaksyon ng kambal. Pero may bahagi ng puso ko ang nalulungkot.
Pinagsawalang bahala ko na lang ito at hindi pinansin.
Basta masaya na rin ako. Sa ilang taon kung pagdadalamhati sa relasyong ako lang naman ang nagmahal baka ito na ang kasiyahan ko. Hindi lang isa kun 'di tatlo pa sila.

Hindi ko man alam kung matatanggap ito nila  mommy at daddy pero... ah basta saka ko na iisipin 'yun.

Gabi na at oras na ng pagtulog. Pinatabi ako ng kambal sa kanilang dalawa. Ngayon lang ako nakapasok sa kanilang silid at parang dinoble pa ang laki sa silid na inuukopahan ko. Maging ang higaan ay pinasadya pa ata dahil ang lawak talaga.

Susunod daw sila sa akin sa Pilipinas dahil aayusin pa ni Derick ang trabaho rito. Si Duke naman Artist siya kaya wala siyang kumpanyang pinapatakbo.
Ayaw daw kasi niya ng mga paperwork. Pero
siya ang nagmana sa Art Gallery ng kanilang ina at pumupunta lang doon si Duke. Ang kanilang pinsan na si Yua ang VP nito ang laging naroon.








-----------

Hime_Akhira 🥰😍

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon