FORTY-SIX

1.4K 31 6
                                    

- Amor -

Akma niyang pipindutin ang intercome na nasa kanyang gilid ng ilingan ko siya.

"You look pale. Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

Mukha kasi siyang bigla na lang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kanyang itsura.

"Ka---"

"Please," nahinto siya ng makarinig kami ng malakas na sigaw.

Naningkit ang mga mata ko ng malamang sa loob ng opisina ni Dastian 'yun nanggaling.

Humakbang ako ng pigilan ni Aila ang isang braso ko.
Lumingon ako sa kanya pero nakayuko lang siya.

"Let me go," mariin kong saad hindi iyon malakas sapat lang para marinig niya.

Nakabukas ng bahagya ang pinto kaya maririnig talaga ang pag-uusap mula sa loob.

"Please," narinig ko ulit ang hikbi.

"Please for my son," lumuhod siya sa harap ni Dastian habang ito naman ay prente lang na nakatayo at nakatingin sa babae.

Hindi naman ako tumakbo pero pakiramdam ko hingal na hingal ako dahil sa nakikita at naririnig.

"Gagawin ko lahat, Tian," nakita ko ang pagyugyog ng kanyang balikat tanda na umiiyak ito.

Lungkot, awa, inis, galit, at selos. Para akong binagsakan ng libo-libong punyal at lahat ng iyon ay tumarak sa aking puso.

"Kahit ito lang, Tian, pagkatapos nito hindi na kita gugulohin. Para sa anak lang natin, para kay Sage lang," nagsusumamo nitong saad.

Napakapit ako sa handle ng pinto ng maramdaman ang unti-unting pangangatog ng tuhod ko. Pakiramdam ko ay nawawalan ito ng mga lakas.
Sunod-sunod ang patak ng aking mga luha na para bang nag uunahan pa sila.
Ang dibdib ko na parang kinalabog dahil sa sobrang sakit.

"Pagkatapos ng ginawa mo!" napaangat ako ng tingin. Galit iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Dastian.

"Umalis ka, Sapphire. Mali, hindi Tumakas ka noon," mariin nitong hinawakan ang balikat ni...

Si-sino! Sapphire...

Bigla na namang tinambol ng malakas ang puso ko.
Tama ba ang dinig ko?

Para namang nanghihina si Sapphire na tumayo habang hawak pa rin siya ni Dastian.

"Dahil nasasaktan ako," angil niya.

"I'm hurting, Dastian. Ako 'yung asawa mo--" turo nito sa sarili "Pero iba ang katabi mo. Iba ang kahalikan mo. Iba ang kayakap mo. Iba ang --" nahinto siya at bumaling sa direksyon ko.

Nabitawan ko na pala ang hawak kong bag kaya naglikha ito ng ingay.

"Amor," halos panabay nilang wika sa pangalan ko.

Mabilis akong tumakbo ng makita nila ako.
Hindi ko inalintana ang mga tawag nila, ang labo ng aking mata dahil sa hilam ang mga ito sa luha, ang nanginginig kong katawan dahil sa mga nalaman.

Habang nagda-drive ay patuloy sa pagbagsak ang saganang luha na lumalandas sa aking pisnge.

Kaya pala minsan nakikita kong lumalabas si Dastian mula sa kuwarto ni Sapphire, minsan gabing-gabi na at minsan ay madaling araw.
Hindi naman niya ako nakikita at napapansin noon dahil agad din akong nagtatago.

Tama ang kutob ni ate Sarah sa mga napapansin niya kay Sapphire at Dastian noon.
Masyado akong nabulag sa mga salita niya sa mga ginagawa niya kaya kahit sinasabi iyon sa akin ni ate Sarah hindi ko pinapansin.

Dumiretso na ako sa school ng kambal at uuwi na lang muna kami kila mommy. Okay lang naman dahil balita ni daddy hindi naman nag pupunta ang kambal doon.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon