FORTY

1.5K 31 4
                                    

- Amor -

Marahang haplos ang nagpagising sa akin.

"Dastian," saad ko ng mamulatan ito.

Inalalayan niya akong umupo sa kama saka inilagay ang table bed at doon inilapag ang pagkaen na gusto ko.

"Thank you, Dastian," saad ko rito.

Hinalikan lang ako nito sa ulo ko. Kumuha na rin siya ng cup at bowl.

"Where's Duke?" tanong ko habang sinisipsip ang sabaw ng balot.

Umupo siya sa tabi ko "Natakot ata sayo nagalit ka kasi ayaw na tuloy pumasok," tatawa-tawa nitong saad.

"Hmm. Ayaw niya kasi ako bilhan ng gusto kong pagkaen," nagtatampo kong saad.

"Hmm. But I feel sorry," ibinaba ko ang hawak at humarap kay Dastian.

"I'm sorry sa kalagayan ko," malungkot kong saad.

Hinawakan niya ang mukha ko saka nag wikang "Don't be sorry, Love, that baby is a blessing. But can I ask?" tanong nito.

Tumango naman ako.

"Sabi ng Doctor pangalawa na raw ito? Where is the other one?" tanong pa nito.

Napaiwas ako ng tingin saka yumuko "I-I..... pinlaglag ko," may mga luhang tumulo mula sa mga mata ko.

Napahinga siya ng malalim saka ako inakbayan.

"Hindi ko alam ang kuwento kaya mo siguro nagawa iyon. But, Love--" hinawakan niya ang kamay ko.

"Please, kung binabalak mong ulitin iyon huwag," pinisil niya ng bahagya ang kamay ko.

Umiling ako "Hindi--" nag-angat ako ng tingin kay Dastian.

"Hindi ko na uulitin iyon. Ayuko ng dagdagan ang bangungot ko," sagot ko.

Pinapatay ako ng alala ko sa nakalipas. Na para bang hinahabol ako nito. Oo, ngumingiti ako at tumatawa pero alam ko sa sarili kong hindi iyon masaya.

Pag nag-iisa ako lagi akong niyayakap ng kalungkotan.
Kaya hindi. Hinding hindi ko na uulitin ang pagkakamali at kasalanang iyon.

Tama na ang isa at minsang paghihirap ko. Kahit wala siya. Wala sila. Kakayanin ko.

I think the triplets will help me. May tiwala naman ako sa tatlo.

Napatingin ako sa kanyan ng tumayo siya at inilagay ang kamay sa bulsa ng kanyang pants.

"Now--" seryuso siyang tumingin sa akin "Do you want the divorce papers or not?" wala akong mabasang emosyon. Dahil blanko.

Hindi ko mabasa dahil napakaseryuso ng kanyang mukha.

"Oh! Neve-"

"Itutuloy ko," putol ko sa sasabihin niya.

"Itutuloy ko ang divorce sa dalawa," I looked at him with my teared eyes "Can you help me?" pero bakit ganito?

Bakit parang pinupunit ang puso ko. Bakit ang dali kong naiisip iyon pero ang sakit naman sa dibdib ko.

He heavily sighed and turn his gaze to the other side as if calming himself down.

Napakagat ako ng labi. Pigil ang nagbabadyang pagbagsak ng luha ko. Alam ko namang mahal ko pa sila. Oo, aaminin ko 'yun. Pero mali. Mali ang ganitong sitwasyon na basta nalang nila akong aariin dahil gusto nila.

Bakit hindi nila ako nagawang ipaglaban noon. Bakit hindi man lang nila nagawang iparamdam sa akin ang kahit kunting pagmamahal o kahit kunting pag-aalala. I was depressed because of them.
Araw-araw akong lumalaban sa lungkot na ako lang ang nakakaalam at ako lang mag-isa huwag ko lang maiwan si mommy.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon