FIFTEEN :

3.1K 36 0
                                    

- Amor -

DALAWANG BUWAN na ang lumipas simula ng masaksihan ko ang kaganapan sa opisina ng dalawa.
Naging madalang na rin ang pag-uwi nila dito sa bahay dahil sa kanilang condo na nila sila namamalagi.

Papasyal lang ata sila rito pag may pag-uusapan sila nila daddy Anthony about sa businesses, ako naman wala na ring lakas ng loob upang kausapin sila.
Tango, iling, o tipid na sagot 'yun lang ay ok na.

Para 'kong lantang gulay na naka tanaw sa repleksyon ko mula sa tubig, narito ako ngayon sa gilid ng pool habang naka tampisaw ang aking mga paa.

"Is there any problem, Hija?" mula sa likod ko ang tinig.

Lumingon ako at nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni daddy Anthony.

I smiled a fake smile.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ok kaya umiling ako.

"Tell me," saad ni daddy Anthony habang itinataas ang ibaba ng kanyang pantalon.

Umupo siya sa aking tabi at itinukod ang dalawang kamay patalikod, sabay naming tiningala ang kalangitan.

"Dad, it is ok to meet my true father?" tanong ko.

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim, batid kung aayaw si mommy pero gusto ko lang naman siya makilala.

"I don't know the answer, Hija, pero sana pag-isipan mo muna ang gusto mong  gawin," he taps my shoulder.

"Pero sa palagay ko ay hindi papayag ang mommy," napalingon ako kay daddy Anthony at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Your mother is okay with that, Amor. But your father is not," sagot ni daddy Anthony.

Napakunot ako ng aking nuo. How did he know?

"Do you know who is my real father, Dad?" I asked him.

Nagkibit balikat siya at saka dumungaw sa tubig ng pool.

"Your father is a well-known businessman here like me. Matayog at talagang kilala he's one of our investors," saad pa niya "Meron ka ring dalawang lalaking kambal na kapatid and other one to other girl," napatingin siya sa akin.

"Sa totoo lang ay nakuha mo sa kanya ang mga mata mo, ang ilong mo, at ang balat mo," turo niya sa bandang wrist ko.

Meron kasi akong balat dito na mamulamula at talagang pansinin dahil maputi ako.

Marami pang sinabi si akin si daddy Anthony tungkol sa aking totoong ama, na para bang kilalang kilala na niya ito.

Kung sa bagay sabi nga niya ay investor niya ito sa kanilang kompanya baka matagal na silang magkakilala talaga.

Halos madaling araw na siguro nang magpasya kami ni daddy Anthony na pumasok sa loob ng bahay.

Mommy smiled at me when we entered, yumakap siya sa akin ng mahigpit.

"I love you," she whispered.

"I love you too, Mommy," sagot ko sa ina na nangingilid na ang luha.

Katulad ng mga nakalipas na araw ay nagiging mabigat pa rin sa aking dibdib ang nangyari.
Hindi ko maialis sa aking isipan ang kaganapan na iyon.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako, hanggang ngayon ay nagtatanong ako kung bakit!?

Bakit? Bakit mas pinili nila ang gawin 'yun kesa puntahan ako sa araw ng aking kaarawan.
Bakit mas pinili nila ang babaeng 'yun kesa sa akin?

Bakit na hindi ko sa kanila maitanong at bakit na walang sagot.

Wala akong lakas ng loob, ganito ba ang pakiramdam na magising sa katotohan na hindi ka na mahal ng taong minahal mo?
Pero minahal nga ba niya talaga ako o naging pampalipas oras lang.

Walang tigil sa pagbagsak ang aking mga luha habang hawak ang aming larawan.

He's sleeping beside me, hugging me habang ang mga katawan namin ay walang ano mang saplot at tanging kumot lamang ang nakatakip dito.

Mapait akong napangiti habang inaalala ang mga araw at oras na iyon.
Iyong mga araw na sa akin siya naka ngiti at nakatingin, 'yung mga oras na ako lang ang kasiping niya at hindi kung sino mang babae na nakakasama niya.

Habang inaalala ang pag-ungol nila ng gabing iyon na sa akin siya nakatingin ay parang punyal na paulit-ulit sa aking sumasaksak.

His grey eyes are saying that I am now nothing to him, he gazed at me with disgust - pagkauyam at galit.

Hindi man niya sabihin pero sa mga tingin niya ay nababatid ko na pagkaasiwa niya. Pero, wala e.... walang nag bago mahal ko pa rin siya.

Sa isang taong nakalipas na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyari sa amin at naging malamig siya sa akin ay labis akong nasasaktan.

Nakatulogan ko na ang labis na pag-iyak, siguro ay dahil din sa pagod.
Nag lagay ako ng foundation at concealer cream sa aking mugtong mga mata kinaumagahan para naman matakpan ito.

"Are you still crying because of him?" taas kilay na tanong sa akin ni Cassandra.

Narito kami ngayon sa quadrangle at nakaupo sa gilid ng university fountain.

"Halata ba?" tanong ko.

Umirap lang siya at napailing "Hindi ka pa ba tapos sa pag luluksa mo?" anas niya sa akin.

Nangilid na naman ang luha ko kaya napayuko ako sa tanong niya.

"I'm just asking you, bakit iiyak ka na?" halata na ang pagkairita sa boses nito.

"Stop it, Amor," hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito dahilan para makita ko ang galit, inis, at awa sa kanyang mukha.

"I know how regretful you are for your mistake. Alam ko naman na minahal mo siya at minamahal mo pa rin siya pero, Best," huminga siya ng malalim "Mali na kasi 'yung umasa ka pa sa ganitong sitwasyon," she bites her lower lips.

Oo alam ko naman iyon. Pero hindi naman kasi gano'n kadali lang 'yon.

"Ang daling sabihin pero ang hirap gawin," komento ko.

"Gaga," anas niya "Eh kaylan mo mare-realize na ang tanga tanga mo na,"

Napairap ako sa kanya.

"Masakit bang marinig ang katotohanan na?" angil pa Niya.

"You look like an idiot liking, loving him na wala namang kasiguradohan," saad pa niya.

"Stop it, Cassandra. I don't need your opinion right now," walang gana kung sabi.

Wala talaga ako sa mood tumanggap ng sermon ngayon.

"No, you should stop it now, Thea Amor. Kaybigan mo ako sa ayaw at gusto mo gigisingin kita sa katotohanan at katangahan mo," she walks out.

Hinabol ko na lang ng tingin si Cassandra na halata ang pagmamaktol sa kanyang lakad.

-----

Merry Christmas and Happy New Year 💗💗

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon