TWENTY-THREE

2.4K 37 1
                                    

- Amor -

KINAUMAGAHAN. Maaga akong inihatid ng kambal sa Haneda Airport dahil alas otso na ang aking flight pabalik sa Pilipinas.

Halos ayaw na ngang bumitaw ng dalawa sa aking kamay dahil mamimiss nila ako.
Sinabi ko na lang 'yung mga sinabi nila sa akin kagabi na susunod sila roon na kahit hindi matanggap ng parents ko ang ganitong klasi ng relasyon ipaglalaban pa rin nila ako.

Nalulungkot din naman ako dahil wala na akong magigisingang mga bungkos ng tulips sa umaga. Wala ng magpapatawa. Wala ng mangungulit sa aking magpasuklay ng buhok at wala ng mangungulit magpaluto ng mga ulam. Wala na rin akong tuturoan ng puro kalukohan makapagsalita lang ng tagalog.

Pero ang sabi nila susunod sila kaya okay na iyon. Hindi naman sila si.... na basta na lang nang-iiwan.

First class with bed ang kinuha ni Duke para raw hindi ako mahirapan kung antukin man ako dahil napuyat ako sa kakakuwento ng dalawa tungkol sa kung ano-anong bagay.

"Bye for now, my Boyfriends, but I will wait for you guys ok," ngiti ko sa dalawa.

"Don't make me wait long," kunwari'y anas ko.

"Pagnalaman ko talagang may babae kayo," tinuro ko ang kanilang buddy "Puputulin ko 'yan," saad ko sabay tawa.

Wala akong paki kung malakas ang pagkakasabi ko no'n dahil hindi naman naiintindihan iyon ng karamihan dito.

Natatawang umiling si Derick gano'n din si Duke na akala mo naintindihan ang sinabi ko.
Hinila ko silang dalawa sa isang tabi saka mabilis na humalik sa kanilang labi.

Pumasok na ako sa second gate habang kumakaway sa dalawa.
After four hours nakarating na ako ng Pilipinas.

Huminga ako ng malalim bago pumara ng taxi.

"Sunrise village, Kuya," saad ko sa driver.

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng sasakyan. Narito na naman ako sa lugar na 'to.

"Narito na po tayo, Ma'am," wika ng driver ng makitang hindi pa ako bumababa dahil nahulog na naman ako sa malalim na isipin.

"Ma'am?" ulit ng driver.

"Huh?" tanong ko saka luminga "Ah. Sorry," dagdag ko pa ng makitang nasa tapat na kami ng bahay.

Tinulungan akong ilabas ni manong Driver ang aking mga bagahe kung dati isa lang ang aking dalang maleta naging tatlo na dahil sa dami ng shinaping namin nila Duke at Derick.

Nakadalawang pindot ako sa doorbell bago ito bumukas.
Si manong Kaloy ang nagbukas ng gate at tumulong sa aking mga bitbit.

"Nasa office ba sila Mommy?" tanong ko sa guard.

"Ma'am?" tanong nito sa akin.

"Hindi niyo po ba alam?"

Bigla akong napaharap kay manong Kaloy.

"Ang ano po?"

"Nasa hospital po ang Mommy at Daddy niyo sa Sanchez Hos-" hindi na naituloy ni manong ang kanyang sasabihin dahil agad akong pumasok sa bahay upang kuhanin ang susi ng aking sasakyan.

Kabado ako habang nagmamaneho papunta sa nasabing ospital.
Pagpasok sa loob nagmadali akong pumunta sa counter upang tanungin kung saan ang room ni mommy at agad naman sinabi ng nurse.

Pagpasok ko sa isang malaking silid napatayo agad si Queven.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi," angil ni Queven.

Pero wala na akong pakialam sa galit niya ngayon dahil kay mommy lang ako naka tingin. Meron siyang pasa, gasgas, at mga sugat. Para akong sinasaksak habang nakatingin sa ina na nakahiga sa ganitong higaan.
Napakabigat sa dibdib.

"Ilang linggo na, Amor. Ilang linggo ka ng tinatawagan ni Quirro. Wala ka sa condo ni Cassandra at hindi raw niya alam kung saan ka nag punta. Alam mo bang pumunta pa kami ni Quirro ng Japan para hanapin ka," his haughty tone made me scared. His eyes were also red with anger.

Akmang lalapit siya sa akin ng pigilan ng kanyang ama.

"Dad," saad ko saka lumapit sa ama upang yumakap dito.

"Your mother is okay now, Hija," tapik sa likod ko ng ama.

Napahikbi na ako dahil sa sama ng loob sa sarili. Noong mga panahong tawag pala ng tawag sa akin si Quirro dahil naaksidente si mommy at hindi ko man lang 'yun pinansin dahil sa ano? Sa ego ko na dapat hindi ko pinaandar.

"I'm sorry, Daddy," saad ko habang humihikbi.

"It's okay, Hija, as long as safe ka," inilayo niya ako para makita ang aking kabuoan.

"Wala bang nanakit sa'yo o masakit sayo? Saan ka ba nagpunta?" sunod-sunod na tanong sa akin.

Pinunasan ko muna ang aking mga luha "Okay lang po ako, Daddy. Sa South forbes po ako nagpunta sa bahay ng boyfriend ko," sagot ko sa ama na kita ang pagkabigla.

"What?" Quirro yell.

Napabaling kami sa bagong dating na binata.

"And who's your fvcking boyfriend?" tila tigre itong gusto ng sumakmal.

"Kuya," napatago ako sa likod ng ama dahil sa galit na nakikita sa mukha ni Quirro.

"Stop it, Quirro, you scare your sister," awat ni daddy.

Napailing ito na para bang nagsisisi sa pagsigaw "No, Baby, I'm sorry," kung kanina aya para itong tigre sa sobrang galit, ngayon ay para na siyang isang tupa na sobrang amo.

"I'm just worried about you, come," inaya niya ako palapit sa kanya.

"I traced your cellphone but I can't. Pinahanap ka na namin sa mga pulis doon at sa mga kakilala namin pero wala kaming naging lead. Kahit ang huling pag-alis mo sa condo ni Cassandra wala kaming nakita,"

Ilang hakbang lang at nakalapit na sa akin si Quirro. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bigla niyang pagyakap. Hindi ako agad nakagalaw. Itong pakiramdam na 'to.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto dahil lumabas si Daddy Anthony.

Quirro smells my hair na nagpataas ng aking balahibo sa batok.

"I missed you, Baby," his voice was calm and gentle.

"Sorry, Kuya," tanging nasabi ko na lang upang itago ang kabang nadarama.

"It's ok. Just don't do it again," malumanay nitong wika.

Lumayo ako sa kanya upang puntahan sana ang ina ngunit hindi ko inaasahan ang paghatak sa braso ko ni Queven.

"Que-Kuya," hindi lang gulat kun 'di sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Naging tahimik. Na tanging ang tibok lang ng aming mga puso ang aking naririnig. Para akong tinakasan ng lakas. Ang pakiramdam na 'to ay hindi ko maikakailang namiss ko.

Pero mali!
Mali ito dahil tapos na ang lahat sa pagitan namin. Ang pakiramdam na ito'y hindi ko na dapat nararamdaman pang muli.









---------

Hime_Akhira 💙💙

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon