FIFTY-FOUR

1.2K 28 3
                                    

- Amor -

TATLONG ARAW na ang lumipas simula nang maganap ang kidnapan.
Narito pa rin kami sa bahay nila mommy at daddy. Sila Queven at Quirro naman ay dumadalaw para sa mga bata.

Okay naman sa akin. Tama na siguro ang ilang taong pagtatago.

"Daddy," tawag pansin nila Thalia at Artemis.

Dumalaw kasi kami ngayon dito sa hospital kung saan naka confine si Dastian.
Wala si Duke dahil nasa trabaho, si Derick naman ay busy din tumutulong sa paghahanap kay Ezequias.

"Excuse me. Tara na anak, Safirra," aya ni Sapphire sa anak na babae.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti kaya gano'n din ako sa kanya.

"Daddy, how are you po," tanong ni Artemis sa kinilalang ama.

"Daddy is good now, Art," ngiting sagot ni Dastian.

"Better po," saka inabot ni Artemis ang cupcake na binake namin kanina.

Tinulungan kasi nila ako dahil gusto raw nilang bigyan ang daddy, papa, at dada nila kaya dinamihan na rin namin.

"I'm sorry," panimula ni Dastian nang tumabi ako sa kanya nag lalaro na kasi ang kambal ng tablet.

"Hindi ko inaasahan ang mga nangyari," mapait akong napangiti "Aaminin ko lubos talaga akong nasaktan dahil minahal ko na rin kayo. Pero nangyari na ang lahat--" hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayusin mo ang pamilya mo. Nararamdaman kong mabuti siya kaya sana alagaan at pahalagahan mo na sila," ngiti ko. Totoo to at bukal sa puso ko.

Lahat nang pagkakamali sa buhay ay may lesson.
Pero hindi mo puweding sabihin na hindi mo 'yun sinasadya dahil kung tutuosin ay CHOICE mo 'yun.

Alam kong mahal nila ako pero kasi kasal na sila sa iba at may anak pa.
Maging ako man ay kasal rin kila Queven at Quirro.

"Alam na ba nila Duke at Derick?" tanong ko. Sandali siyang natahimik.

Yumuko siya saka tumango "They are mad at me," napangisi niyang wika.

"But, Amor, we can fix this," bahagya niyang pinisil ang kamay ko.

"We truly love y--"

"Paano ang asawa mo? Ang mga anak mo?" putol ko sa kanya.

"Susuportahan ko sila. Magpakasal tayo sa ibang bansa," desperado niyang saad.

"Tian, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sisirain mo ang pamilya mo!" anas ko.

"But I love you," sensero niyang wika "Pananagutan ko naman ang mga anak ko pero hindi siya," siya! Tinutukoy niya si Sapphire.

Huminga ako ng malalim. Mali! Ayuko nang dagdagan pa ang hirap at sakit na nararamdaman ngayon ni Sapphire. Naging mabait siya sa akin -- sa amin. Siguro nga kung nalaman ko lang nang mas maaga, ako na ang nagkusang lumayo sa kanila para bigyan siya nang pagkakataon kay Dastian.

Lumipas ang ilang oras at nagpasya na kaming umuwi.
Mabuti pa ngang umiwas na kami sa kanila. Hindi ko maaatim manira ng pamilya dahil maski ako ay ayukong mangyari iyon.

"Mommy, can we go to Daddy Queven and Dadda Quirro?" tanong ni Thalia.

"Why? Aren't you tired?" hapon na rin kasi.

"No pa po, Mommy. Can we please?" nag puppy-eyes pa ito.

"Oo nga po, Mama, pretty please," maski si Artemis ay ginaya na rin ang pagpa-puppy-eyes ng kakambal.

Muli ko silang sinulyapan sa rearview mirror dahil nasa backset sila ng kotse.

"Oo na po. Basta e-eat kayo ng veggies mamaya huh," ngiti ko sa kanila.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon