TWELVE :

4K 39 2
                                    

- Amor -

MORNING I woke up with a headache.
Sisinghot singhot pa akong bumangon sa aking kama.

Simula kahapon ay masama na talaga ang aking pakiramdam.
Lunes ngayon kaya may pasok at kahit masama ang pakiramdam ay mag-aasikaso na ako.

"Good morning, Hija," bati sa akin ni nanay Karmen.

Tumango lang ako.

"Kaen na, Amor," tawag pa sa akin ni ate Melay, pero wala talaga ako sa mood.

Matapos ng nangyari kahapon hindi na rin umuuwi dito si Queven.
Sabi ni ate Melay nagpaalam daw ito na sa condo muna niya uuwi.
Si Quirro naman, hindi ko pa siya nakikita dahil hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahapon.

"Tara na po," aya ko kay manong Lito.

Sumakay na ako sa backseat at gano'n din si manong Lito sa driver seat.
Hindi na bago sa mga tao rito kung pa'no ako manamit sila tito at mommy na lang ang hindi.

"Uuwi na raw ang Mommy at Tito mo sa susunod na linggo," saad ni manong Lito habang nag da-drive.

"Pag nasa school po ako at ganito ang suot paki sabi kay Ate Melay na padalhan ako ng pamalit," sagot ko na lang habang sa labas ng bintana ang tingin.

Hindi na kumibo si manong at nagpatuloy na lang sa pag drive.
Dumiretso na ako agad sa aming classroom at naupo sa aking proper set.

"So, what's new?" tumabi sa akin si Cassandra.

Same course lang kami Bachelor of Science in Business Administration Major in Economics/ BSBA.

"Bago saan?" walang gana kung sagot.

Nakatingin lang ako sa harapan.

"Sayo," tinuktok niya ang mahabang kuko sa hawak na cellphone.

"Wala namang bago ah," sagot ko sa kanya.

Nag kibit balikat na lang siya.
Sakto namang dumating si ma'am Lorianne kaya tumahimik na rin ang buong klase.

Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss

Dumaan ang maghapong wala man lang pumapasok sa utak ko kun'di ang nangyari kahapon, may oras pang gusto ko ng umiyak.

"Share mo na 'yan. Makikinig ako," saad ni Cassandra.

Umiling ako.

"Gaga. Sige mag inarte ka d'yan," tamad itong sumandal sa sariling upuan.

Paglabas sa school ay dumiretso kami dito sa Tea-Gang milk tea.
Ewan ko ba dito sa kaybigan ko na 'to dito laging gusto, hindi naman tigang.

"Gosh," napatingin ako sa kanya ng bigla siyang umirit habang nakatingin sa labas ng shop, kaya luminga ako roon.

'Yung tipong nag sesenti ako habang siya naman kinikilig. Pft
Nanliit ang mga mata ko ng makita ang lalaki.
Parang nakita ko na siya no'n hindi ko lang maalala kung saan.

Nag retouch pa ang bruha habang parang bulate na inasinan dahil hindi mapakali.

"Hey," tawag niya sa akin "Ok lang ba suot ko? 'Yung make up ko?" tanong niya saka ibinund ng messy ang buhok at inilaylay ang kanyang bangs.

"Look pathetic," irap ko sa kanya.

"You too," ngiti niya sa akin.

Sinipsip ko na ang aking milk tea at inubos ang laman no'n nag likha pa ito ng ingay ng maubos ko ang laman, kaya pinagtinginan ako ng mga tao sa loob.

"Disgusting,"

"Ewww,"

Mga narinig ko sa mga babaeng malapit sa amin.
Epal, anong disgusting doon? Tssss.
Napairap na lang ako sa hangin.

Nang dumating ang driver namin ay nagpaalam na ako kay Cassandra na mauuna, wala talaga akong gana.

"Call me. I know you're not okay," basa ko sa chat ni Cassandra.

Kilalang kila na talaga niya ako. Ako rin naman, sa irit pa lang niyang 'yun halatang kinahuhumalingan na naman niya ang lalaking iyon.
Wala na naman ata sila ng boyfriend niyang fvckboy.

Pogi naman kaso mukhang babaero at mukhang sex lang ang gusto.
Papasok na ako sa doorway ng makarinig ng tawanan.

"Sinong nasa loob?" tanong ko kay manong Lito papasok sa bahay.

"Bisita po ni Sir Quirro," sagot sa akin ni manong.

Tumango na lang ako saka tumuloy na papasok sa loob ng sala.
Irita, iyon ang nararamdaman ko ngayon sa maarteng pag tawa ng babae na 'to.
May pag hampas pa talaga sa braso ni Quirro, at ang mukong tumawang tuwa rin naman.

"Ehem," tikhim ko para maka agaw ng kanilang pansin.

Tagumpay naman ako at sabay pa silang lumingon sa akin.

"Oh hi," ngiting bati sa akin ng babae.

I fake my smile.

Tumayo si Quirro at namulsa.

"Hon, this is Amor," pakilala niya sa akin sa kasamang babae.

Hon? Jowa niya ba ang babaeng ito? Teka kelan pa?
Kung kanina ay irita lang ang nararamdaman ko ngayon ay sobra sobrang inis na.

"Hi, Amor," lahad niya ng kanyang kamay sa akin.

"Hello," inabot ko ang kanyang kamay at nakipag shake hands.

"I'll go first, I have so many things to do," saad ko na lang.

"Oh sure. Nice meeting you again, Amor," she said again na ikinatango ko na lang.

I went to my room and closed the door loudly.
Tamad kung ibinagsak ang katawan sa kama, napatingin ako sa taas habang unti unting bumabagsak ang aking luha.

Umupo ako sa kama saka sumandal sa headboard ng kama.
Kinuha ko ang aking cellphone dahil may tumatawag.

"Mom?" sagot ko sa kabilang linya.

"Hi, Baby, how are you?"

"Okay lang po. Kayo?" tanong ko.

"We're fine. Nga pala naka pili na kami ng gown mo for your debut," halata ang excitement sa boses ni mommy.

"Nice, Mom," napalabi ako.

"Aren't you happy?" napangiwi ako sa tanong na 'yon ni mommy.

"Sorry, Mom, pagod lang po ako sa maghapong klase," komento ko na lang.

"Ok, Baby, pahinga ka na okay. See you next week, I miss you," paalam ni mommy sa akin.

"Ok, Mom, I miss you too. Tell tito take care also," saad ko saka ibinaba na ang vedio call.

Nahiga ako sa kama saka niyakap ang aking human size na teddy bear.
Pagod ako hindi dahil sa school kun'di sa mga iniisip.

"Babi, bakit gano'n?" I took a deep breath and hug babi - my teady bear "Sobrang sama ko na ba sa ginawa ko?"

Muling bumagsak ang saganang luha sa aking mga mata at hindi ko na napigilan ang malakas na pag hikbi.
Alam ko namang mali ang magsinungaling, pero sana kung kasalanan ang mag mahal hindi ko na sana sinubukan pa.

Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa sumakit na ang aking ulo.
Halos nagkalat na rin ang tissue sa lapag dahil kakasinga ko.

My tears are falling na animo'y isang saganang bukal na patuloy sa pagbuhos.
Isang taon na.
Isang taon na pero ganito pa rin ang sakit.
Ang sakit na dinudulot nito sa aking dibdib.

I feel sufocated na halos sa bunganga na ako huminga.
Hindi ko na rin mapigilan ang paglakas ng iyak ko.



---

Hello 👋
Sana po maadd niyo ako💗 ty.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon